GROUNDS NG LEGAL SEPARATION, PINALALAWAK 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos ang panukala na palawakin ang grounds na tatanggapin para sa legal separation. Sa kanyang Senate Bill 1230, iginiit ni Marcos na dapat nang amyendahan ang Family Code of the Philippines. Sinabi ng senador na sa kabila ng kawalan ng divorce law sa Pilipinas, dumarami  pa rin ang nagsasama nang walang kasal. Alinsunod sa panukala, nais ng mambabatas na isama sa grounds ang hindi pagbibigay ng financial support na kadalasang nagiging dahilan ng mental o emotional anguish, maging ng kahihiyan sa partner o…

Read More

13 LUGAR SIGNAL NO 1 SA BAGYONG URSULA

(NI ABBY MENDOZA) NASA 13 lugar na ang nasa Storm Signal No 1 matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ursula, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(Pagasa). Ang Public storm warning Signal No ay nakataas sa: Sorsogon Masbate including Ticao Island Eastern Samar Northern Samar Samar Biliran Leyte Southern Leyte Northern Cebu (Carmen, Asturias, Tuburan, Catmon, Sogod, Borbon, Tabuelan, Tabogon, San Remigio, Bogo, Medellin, Daanbantayan, Bantayan Islands, Camotes Islands) Central Cebu (Balamban, Talisay, Cebu City, Cordova, Lapu-Lapu, Mandaue, Consolacion, Liloan, Compostela, Danao) northeastern Bohol…

Read More

BIGTIME OIL PRICE HIKE SA BISPERAS NG PASKO 

oil price hike12

(NI ROSE PULGAR) NGAYON bisperas ng Pasko, nagpatupad ng bigtime oil hike sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo bukas ng umaga. (Disyembre 24). Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell at PTT Philippines  ang dagdag-presyo na P1.05 kada litro sa kerosene at P1.15 naman sa kada litro ng diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.…

Read More

LAW ENFORCEMENT OPERATIONS LABAN SA NPA TULOY PA RIN

(NI AMIHAN SABILLO) NAGPAPATULOY ang operasyon ng law enforcement ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga komunistang grupong New People’s Army (NPA) Paglilinaw ito ni PNP Deputy Chief for Operations PLt gen. Camilo Pancratius Cascolan sa kabila ng pagdeklara ni Pangulong Duterte ng unilateral ceasefire sa NPA epektibo hatinggabi ng Disyembre a-23 hanggang hatinggabi ng Enero 7. Ayon kay Cascolan, tumatalima ang PNP sa ceasefire na ipinag-utos ng Pangulo, at kasalukuyan nang umiiral ang suspension of police operations laban sa NPA. Pero, paliwanag ni Cascolan, hindi sakop ng ceasefire…

Read More

DAGDAG NA SAHOD SA MGA TEACHERS KUNIN SA POGO

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG matupad na ang kahilingan ng mga public school teachers na madagdagan ng P10,000 ang kanilang buwanang sahod, iminungkahi ng isang mambabatas sa Kamara na kunin ang pondong ito sa buwis ng Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO). Kasama ang mga public school teachers sa magkakaroon ng umento sa 2020 sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) 5 subalit P1,562 kada taon o hanggang 2023 ang kanilang umento. Dahil dito, umaabot lamang sa P6, 248 ang magiging umento ng mga public school teachers hanggang 2023 na malayo sa…

Read More

MANILA WATER, MAYNILAD NAGPATAAS NG RATING NI DU30 

du30with people12

(NI BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang pagkabog ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga oligaryo  tulad ng Maynilad at Manila Water ang isa sa mga nagpataas sa kanyang ratings lalo na sa hanay ng mga mahihirap. “These trust ratings quantify the massive political capital President Duterte has and which he is willing to use against the oligarchs who have controlled Filipino lives for far too long, ani BH party-list Rep. Bernadeth Herrera. Base sa Pulse Asia survey, mula sa 75% na approval rating na ibinigay…

Read More

BORACAY BALIK BILANG ISA SA WORLD’S BEST ISLANDS

(NI PAOLO SANTOS) BUNGA ng isinagawang rehabilitasyon sa isla ng Boracay at sa ilang buwang pagsisikap ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) muling naisaayos ang isla na tinawag noong “cesspool,” at muli itong itinanghal na isa sa best islands sa buong mundo ngayong taon. “We couldn’t be more proud of what Boracay has become after one and a half years of rehabilitation,” sabi ni Environment Secretary at BIATF chair Roy A. Cimatu. Ayon sa Conde Nast Traveler na kinikilala at pinagkakatiwalaan sa larangan ng lifestyle travel, ang Boracay ang best…

Read More

PNP HANDANG IPATUPAD ANG CEASEFIRE

Ceasefire

(NI NICK ECHEVARRIA) HANDANG ipatupad ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay ang 15 araw na ceasefire sakaling ipag-utos ito ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayong holiday season. Reaksiyon ito ni PNP spokesperson P/BGen. Bernard Banac sa joint statement na ipinalabas  ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) panel na nagrerekomenda sa Duterte administration at Communist Party of The Philippines ng unilateral at reciprocal nationwide ceasefire mula December 23, 2019 hanggang January 7, 2020. Nakasaad sa joint statement na ipinalabas…

Read More

LTFRB INUPAKAN SA PAGTANGGAL SA HIGIT 17-K ANGKAS DRIVERS 

angkas99

(NI BERNARD TAGUINOD) BINAKBAKAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang opisyales ng Land Transportations Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos bawasan ang Angkas riders ng mahigit kalahati. Tinawag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na “Grinch” ang mga opisyales dahil 10,000 Angkas riders lamang ang pinayagang maghanapbuhay mula sa kasalukuyang 27,000. “The Grinches in LTFRB just stole the cheers of Christmas from thousands of Angkas drivers who would be jobless come 2020,” ani Gaite. Sinabi ng mambabatas na hindi lamang ang mga Angkas drivers na inalisan ng hanapbuhay ang…

Read More