LIFE IMPRISONMENT!

HINATULANG makulong ng habambuhay sina Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr, Zaldy Ampatuan, Anwar Ampatuan Sr. sa inilabas na desisyon Huwebes ng umaga ni Judge Solis-Reyes, sa karumaldumal na Ampatuan massacre na naganap 10 taon na ang nakararaan. 4 NA MIYEMBRO NG AMPATUAN CLAN INABSUWELTO APAT na miyembro ng Ampatuan clan na sina Datu Datu Akmad Tato, Datu Sajid Islam, Jonathan, and Jimmy Ampatuan ang inabsuwelto sa kasong murder. Matapos magdesisyon si Judge Solis-Reyes na basahin lamang ang ‘salient points’  sa 761 pahinang desisyon. Late ng isa’t kalahating oras si Reyes…

Read More

GRAB GIGISAHIN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) SINUSUBOK umano ng ride hailing transport network na Grab ang pasensya ng kanilang mga pasahero, dahil sa dami ng usaping kinasasangkutan nito. Ito ang galit na pahayag ni Senador Imee Marcos matapos ulanin ng reklamo ang Grab dahil sa lampas-dobleng singil sa pasahe gayong nakipagkasundo ito sa gobyerno na lilimitahan ang fare hike ngayong Disyembre sa 22.5 porsyento lamang. “Monopolisado ng Grab ang ride-hailing service kaya nila nagagawa ito. Dapat maging mapagbantay tayong lahat lalo na ang mga nasa gobyerno at huwag palusutin nang basta na lang…

Read More

MAGUINDANAO MASSACRE RESOLUTION, LEGASIYA NI PDU30

duterte32

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGIGING legasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkamit ng mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre ng katarungan matapos ang 10 taong paglilitis. Ito ang pananaw ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan  ng Kongreso dahil sa araw na ito, Disyembre 19, ay hahatulan na ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga suspek sa Maguindanao massacre. “This is another legacy-defining moment for the Duterte administration,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Dangerous Drugs Committee. “I feel it’s no coincidence that…

Read More

ORDER OF LAPU-LAPU AWARD IGINAWAD SA PINOY ATHLETES

(NI ANN ENCARNACION) DAHIL sa tagumpay sa nagdaang 30th Southeast Asian Games, iginawad sa mga Filipinong atleta ang Order of Lapulapu. Mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at si Team Philippines Chef de Mission at Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ang nagkaloob ng pambihirang award para sa mga atletang nakatulong upang tanghaling overall champion ang bansa sa katatapos lang na SEA Games. Mahigit 600 medallists sa SEAG ang nagtungo sa Malakanyang para sa awarding of incentives at Order of Lapulapu, ang pinakamataas na karangalan na ibinibigay lamang sa mga…

Read More

DAGDAG-SAHOD SA TAGA-GOBYERNO APRUB NA SA KAMARA

gov1

(NI JEDI PIA REYES) LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang ika-limang Salary Standardization Law na layong itaas ang sahod ng mga taga-gobyerno kabilang ang mga pampublikong guro at nurse sa taong 2020. Sa botong 187 na pabor na mga mambabatas at lima ang tutol, aprubado na ang House Bill 5712 na nagtatakda ng 23.24 % overall average na pay hike sa mga government personnel. Mabilis na napagtibay ang panukalang dagdag-sahod matapos na sertipikahan itong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nauna na…

Read More

YOSI, ALAK, VAPE MAY DAGDAG BUWIS NA  

(NI ESTONG REYES) INAPRUBAHAN ng   Bicameral Conference Committee ang panukalang dagdagan muli ng panibagong buwis ang sigarilyo, alak at e-cigarette o vape upang makakalap ng sapat ng pondo ang pamahalaan para sa Universal Health Care (UHC). Sa magkahiwalay na panayam, sinabi ni Senador Pia Cayetano, chairman ng Senate committee on ways and means; at Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means na nagkasundo ang dalawang kapulungan na dagdagan muli ang buwis sa naturang produkto matapos ang mahabang diskusyon na ginanap sa Senado. Anila, nagkasundo ang bicam …

Read More

GUILTY VERDICT INAASAHAN

(NI BERNARD TAGUINOD) INAASAHAN ni Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu na masesentensyahan ng guilty ang mga major suspect sa Maguindanao massacre na ikinamatay ng 58 katao, kasama na ang 32 kagawad ng media. Ginawa ni Mangudadatu ang nasabing pahayag dahil sa araw na ito ay babasahan na ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ng sentensya ang mga suspek sa Ampatuan massacre. “Imposibleng walang makuhang maramihang guilty verdict lalo na sa major suspects pati sa mga nagplano. Positibo kami roon,” pahayag ni mambabatas sa isang panayam. Magugunita na noong…

Read More

SARAH PINAYUHAN NI JUDAY SA PAG-AASAWA

(NI BOY ABUNDA) NAGING malapit na magkaibigan sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo mula nang magkasama sa pelikulang ‘Hating Kapatid’ noong 2010. Mula noon ay hindi na nawalan ng komunikasyon at nanatiling magkaibigan ang dalawa. Posible nang magpakasal si Sarah at kasintahang si Matteo Guicicelli dahil napabalitang matagal na umanong engaged ang magkasintahan. Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng lahat kung kailan mangyayari ang pag-iisang-iisang dibdib nina Sarah at Matteo. Binigyan ng payo ni Juday ang kaibigan tungkol sa pag-aasawa. “Huwag mo lang masyadong seryosohin ang pag-aasawa. Darating…

Read More

KOMISYON AT SURGE CHARGE NG GRAB PINABABAWASAN

(NI BERNARD TAGUINOD) PINABABAWASAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Grab ang komisyon ng mga ito sa kanilang mga drivers at maging ang surge charge na ipinapatong ng mga ito sa kanilang mga customers. Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, masyadong malaki ang kinokolektang komisyon ng Grab sa kanilang mga driver dahil umaabot ito ng 10% hanggang 20%. Nais ng mambabatas na ibaba ito ng 5% upang kumita ang Grab drivers dahil mahirap aniya ang biyahe ngayong panahon ng Pasko dahil sa lumalalang problema ng trapiko.…

Read More