(NI NOEL ABUEL) INIREKOMENDA ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaloob ng Christmas bonus sa mga opisyales ng barangay sa buong bansa. Ayon sa senador, hiniling nito sa Pangulo na pagkalooban ng P3,000 Christmas incentives sa mga barangay captains, kagawad, Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons, at Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMRs) para sa kasalukuyang taon. Paliwanag ni Go, ang nasabing incentives ay regalo dahil sa maayos na trabaho ng mga ito bilang pinaliit na pamahalaan. “Sinuggest ko po ‘yan kay Pangulong Duterte para mapasaya ang ating…
Read MoreAuthor: Jet
NAIA SARADO HANGGANG MAMAYANG ALAS-11 NG GABI
(NI FROILAN MORALLOS) PANSAMANTALANG ipinasara ng Manila International Airport Authority (MIAA), sa pakikipatulungan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) , ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bagyong Tisoy. Nagsimula ang closure ng NAIA mula 11:00 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi ng Disyembre 3. Ayon kay MIAA general manager Ed Monreal apektado ang tinatayang aabot sa 480 international at domestic flight . Kaugnay nito, pinapayuhan ni GM Monreal ang mga pasahero na huwag muna magpunta sa airport habang sarado pa ang paliparan. Ang naging hakbang…
Read MorePAGBUO NG CITIZEN SERVICE CORPS, ISINUSULONG
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Koko Pimentel na tuluyang isabatas ang pagkakaroon ng Citizen Service Training Course at magtatag ng Citizen Service Corps upang may mga sibilyang makatutuwang ang uniformed service sa panahon ng mga emergency. Sa kanyang Senate Bill 1176, isinusulong din ni Pimentel ang pagtatayo ng Citizen Service Mobilization Commission at paglalaan ng P50 milyon mula sa Presidential Social Fund bilang paunang pondo. Ipinaliwanag ni Pimentel na alinsunod sa Konstitusyon, may kapangyarihan ang gobyerno na hilingin ang pagpasok ng mga sibilyan sa personal military at civil sevice…
Read MoreILANG EVENTS SA SEA GAMES, INILIBAN
ILANG events sa Southeast Asian Games ang iniliban ngayong Martes dahil sa pananalasa ng bagyong Tisoy. Alas-11 ng umaga, ang mga sumusunod na event ay ipinagpaliban: SUBIC CLUSTER • Beach Volleyball (moved to Dec. 4) • Canoe, Kayak, Traditional Boat Race (moved to Dec. 6-8) • Muay (moved to Dec. 4-8) • Pencak Silat (moved to Dec.4) • Sailing/Windsurfing (moved to Dec. 5) • Modern Pentathlon (moved to Dec. 5) • Surfing (moved to Dec. 4) • Sepak Takraw (moved to Dec. 4) SOUTHERN LUZON CLUSTER • Underwater Hockey (moved…
Read MoreRESIDENTE NG MAYNILA SA COASTAL AREA INILIKAS
(DAHLIA S. ANIN/PHOTO BY KIER CRUZ) PINALILIKAS na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng Maynila nakatira sa coastal area dahil sa banta ni bagyong Tisoy. Ang mga residente ng Baseco, Isla Puting Bato, Aroma at Happyland ang ilan sa mga pinalilikas dahil sa posibleng storm surges. Pansamantala silang sisilong sa mga evacuation centers sa kanilang mga lugar. Alas 11 ng gabi noong Lunes nang mag-landfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon, ayon sa Pagasa at posibleng magdala ito ng malakas na hangin at ulan sa Metro Manila. “Ayon…
Read MoreTRABAHO SA GOV’T OFFICES SINUSPINDE NG PALASYO
(NI CHRISTIAN DALE) OPISYAL nang sinuspinde ng Malakanyang kanina ang pasok sa mga government offices at klase sa public at private schools sa lahat ng antas sa Metro Manila. Epektibo ang nasabing suspension ng alas-12 ng tanghali kanina, Disyembre 3. Nakasaad sa Memorandum Circular No. 73, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinagbatayan ng Malakanyang ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at bunsod na rin ng patuloy na pagsama ng lagay ng panahon na dala ni bagyong Tisoy. Iyon nga lamang, ang mga ahensiyang may…
Read MoreBILL SA EVACUATION CENTER SA BAWAT BARANGAY, NATULOG SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T matagal nang ipinanawagan na magtayo ng evacuation centers sa bawat barangay sa bansa, patuloy na natutulog, hindi lamang ngayon, ang nasabing panukala kundi sa mga nagdaang Kongreso. Ito ang nag-udyok kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate para kalampagin ang dalawang Kapulungan ng Kongreso na bigyan na ng atensyon ang kanilang panukala upang magkaroon ng evacuation center sa bawat barangay. “Our proposed evacuation centers should be typhoon, earthquake and disaster resistant so that the victims would be safer and would not be confined in tent cities which are…
Read MoreBAGYONG TISOY NANANALASA SA SOUTHERN QUEZON, M’DUQUE, ROMBLON
NAPANATILI ng bagyong Tisoy ang lakas at nasa bahagi ng Bondoc Peninsula sa kasalukuyan. Nabatid sa 8AM weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng San Francisco, Quezon. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235 kilometers per hour. Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour. Ayon sa Pagasa, ang ‘eyewall’ ng bagyo ay kasalukuyang nananalasa at naghahatid ng napakalakas na hangin at malalakas…
Read MorePHL DUATHLETE, WAGI
BINALEWALA ni Monica Torres ang pananakit ng tiyan nang pangunahan ang women’s duathlon event sa Subic Bay Boardwalk sa Zambales. Si Torres ay nagsumite ng oras na 02:08:44 para kolektahin ang gold medal. Pumangalawa si Pareeya Sonsem ng Thailand (2:11:18) at pangatlo si Thi Phuong Trinh Nguyen ng Vietnam (2:11:18). Sa men’s division, nakuntento lang sa silver medal ang pambato ng Pilipinas na si Joey delos Reyes nang magsumite ng oras na 1:53:04, mas mabagal ng 13 segundo sa nangunang si Johan Jauhari ng Indonesia. (NI VTRomano/PHOTO BY MJ ROMERO)…
Read More