SOLON: GINTONG ALAY PROJECTS SA MGA ATLETA, BUHAYIN

(NI BERNARD TAGUINOD) IPINABUBUHAY sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Gintong Alay projects na tatak ni dating pangulong Ferdinand Marcos, sa pagsuporta sa mga  Atletang Filipino. Ayon kay House majority leader Martin Romualdez, epektibo ang Gintong Alay na itinatag ni Marcos noong  October 31, 1979 sa pamamagitan ng Letter of Instructions No. 955. Sa pamamagitan ng Gintong Alay, nagkaroon educational at fund campaign para tulungan ang mga track and field athletes at noong Mayo 2, 1980 ay pinalawak ito sa 17 sports kung saan nagdonate ang mga pribadong sektor, nagsagawa ng sport…

Read More

NEW CLARK CITY SPORTS COMPLEX ‘DI MASASAYANG

(NI NOEL ABUEL) TIWALA si Senador Win Gatchalian na hindi masasayang ang ipinatayong New Clark City Sports Complex para sa nalalapit na Southeast Asian (SEA) Games. Ito ang sinabi ni  Gatchalian sa kabila ng mga batikos hinggil sa pagpapatayo ng New Clark City Sports Complex kung saan mapakikinabangan pa rin umano ang naturang pasilidad kahit tapos na ang kumpetisyon. Ayon sa senador, magagamit ito para sa binabalak na ipatatayong Philippine High School for Sports (PHSS). Si Gatchalian ang isa sa mga naghain ng Senate Bill 1086 o Philippine High School for Sports Act…

Read More

AFRICAN SWINE FEVER PABABA NA — DA

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa dry season ay pababa na ang kaso ng African Swine Fever (ASF). Sa joint meeting ng House Committees on Agriculture and Food at Local Government, sinabi ni Bureau of Animal Industry Dir. Ronnie Domingo na nakatulong ang klima sa pagbaba ng kaso ng ASF sa bansa dahil takot ang ASF virus sa dry season. Umaasa ang BAI na sa mga susunod na araw ay bababa pa ang bilang ng mga baboy na naaapektuhan ng ASF o tuluyan nang mawala. Bagama’t nakatutulong ang klima, sinabi ni…

Read More

PAGSIBAK KAY LENI ‘DI KAILANGAN NG OFFICIAL ORDER — PANELO

(NI CHRISTIAN DALE) HINDI na kinakailangan pang maglabas ng opisyal na komunikasyon ang Office of the President kaugnay ng naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Leni Robredo sa ICAD. Sa pulong balitaan sa Busan, South Korea, binigyang diin ni Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo na saklaw si Robredo ng polisiyang “serving at the pleasure of the President” lalo at nasa Pangulo ang appointing authority. Nasa kapangyarihan din, ani Panelo, ang pagpapaalis sa kaninumang itinalaga ng Punong Ehekutibo sa isang puwesto, anumang oras na naisin nito nang hindi na…

Read More

PINAS DELIKADO SA SURVEILLANCE PROJECTS NG DILG

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI lang ang seguridad ng mga kritiko ng gobyerno ang malalagay sa alanganin kundi ang national security sa surveillance project ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ito ang pinangangambahan nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Eufemia Cullamat kaugnay ng nasabing proyekto na popondohan umano ng China at hahawakan ng Huawei. ‘Safe Philippine’ surveillance project of the Department of Interior and Local Government (DILG) “will only gravely place, ironically, in jeopardy and danger the lives of the people in numerous levels,” ani Zarate. Ayon…

Read More

P312-B AMBAG NG PINOY SEAMEN SA EKONOMIYA

(NI BERNARD TAGUINOD) AABOT sa $6 Billion o katumbas ng P312 bilyon ang magiging ambag ng seamen sa ekonomiya ng bansa ngayong taon. Ito ang tinataya ng ACT-OFW coalition of organization na pinamumunuan ni dating Rep. Aniceto Bertiz III ukol sa remittance ng mga seaman bago matapos ang kasalukuyang taon. “We expect the annual cash transfers from Filipino officers and ratings on international ocean-going vessels to continue to increase by mid to high single-digit rate,” ayon sa grupo. Ginawa ng mga ito ang pagtataya matapos makapagpadala ng $4.87 Billion cash…

Read More

PAO PINATUTULONG SA PROBLEMADONG GURO

guro33

(NI BERNARD TAGUINOD) IPINATUTULONG ng isang mambabatas sa Kamara ang Public Attorney’s Office (PAO) sa mga public school teachers na binu-bully umano sa media. Ayon kay Binan Laguna Rep. Marlyn Alonte, panahon na para maproteksyunan ang karapatan ng public school teachers na dahil sa konting mali umano ay pinagtutulungan at nagiging biktima ng pambu-bully. “For teachers whose rights need protecting right now, I ask the Public Attorney’s Office to swiftly come to the aid of these teachers,” ayon sa mambabatas kaya maghahain umano ito ng panukala para proteksyunan ang karapatan…

Read More

PAGLABAN SA OBESITY ISASAMA SA K-12

(NI NOEL ABUEL) DAHIL sa hindi na mapigilang paglobo ng bilang ng mga matataba sa bansa, partikular sa mga kabataan, naghain ng panukalang batas si Senador Bong Revilla para sa karagdagang physical activities at traditional games sa  K to 12 curriculum. Sa  isinumiteng Senate Bill No. 1121, o “An Act Providing for the Mandatory Inclusion of Anti-Obesity Education Program and Exercise including Play and Traditional Games, in the Pre-School, Elementary and High School Curricula, Both in Public and Private Schools and Educational Institutions,” layon nito na masolusyunan ang lumalalang problema…

Read More

MAX EIGENMANN WAGING BEST ACTRESS

(NI BEN BAÑARES) WOW. Patuloy ang paghakot ng awards ng South Korean black comedy na Parasite ni Bong Joon-ho. Ang pinaka-latest ay ang best feature film award nito mula sa glamorosong 2019 Asia Pacific Screen Awards na ginanap sa Brisbane, Australia noong Huwebes. Marami nang nakuhang awards ang pelikulang ito (kasama na ang Palme d’Or sa Cannes) at mukhang hahakot din ito ng awards – or nominations, at least – sa Oscars sa Pebrero 2020. Pero heto ang mas wow: Our very own Max Eigenmann ay nagwagi bilang Best Actress para sa pelikulang Verdict ng…

Read More