(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG mapatatag pa ang kampanya laban sa ilegal na droga, pananagutin na ang mga may-ari ng mga bahay, gusali at iba pang ari-arian na inuupahan ng mga sindikato ng ilegal na droga. Ngayong linggo ay inaasahan ng ipasa sa ikatlo at huling panukalang ito na inaasahang magpapalakas sa kampanya kontra ilegal na droga sa bansa dahil tututukan na ang mga nagpapaupa sa mga sindikato ng droga. Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang naghain sa House Bill 8909, para amyendahan ang Republic Act No. 9165, o“Comprehensive Dangerous Drugs Act of…
Read MoreAuthor: Jet
HIGIT 100 LOCAL OFFICIALS MALALAGOT SA MANILA BAY REHAB
(NI JEDI REYES) MAGPAPALABAS ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa 107 lokal na opisyal para pagpaliwanagin sa polusyon ng Manila Bay. Ayon kay Undersecretary Martin Diño, kabilang sa mga hinihingan ng paliwanag ay ang ilang alkalde at kapitan ng mga barangay. Diin ng opisyal, sa nakalipas na maraming taon ay nabigo ang mga lokal na opisyal na mahigpit na ipatupad at bantayan ang implementasyon ng mga batas patungkol sa pagtatapon ng basura ng mga komunidad na nasa paligid ng Manila Bay. Sinabi…
Read MoreFOREIGN TERRORIST PATAY SA MILITARY OPS?
NAGSAGAWA ng intelligence driven surgical operation ang Philippine Army gamit ang dalawang fighter plane ng Philippine Air Force sa natunton na kuta ng Daesh inspired Bangsamoro Islamic Freeddom Fighters sa Maguindnao, sa ulat ng militar Linggo ng hapon na nag resulta sa kamatayan ng walong Bangsamoro Islamic Freedom Fighter. Ayon Maj Gen. Cirilito Sobejana, commander, 6th Infantry Division, kasalukuyang inaalam ng kanyang mga tauhan kung kasama sa mga nasawi ang ilang foreign terrorists na nagkukubli sa lugar sakop ng Sutan sa Barongis . Ayon kay Sobejana may mga pangalan na…
Read More105 ARAW MATERNITY LEAVE NAKATENGGA SA PALASYO
(NI NOEL ABUEL) LAGDA na lamang ng Malacanang ang kailangan bago tuluyang matanggap ng mga buntis ang dagdag na araw na maternity benefits ng mga ito. Sa ilalim ng panukalang Expanded Maternity Leave, mula sa kasalukuyang 60 araw na maternity leave ay gagawin itong 105 araw sakaling lagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Umaasa ang Senado na tuluyan na itong mapipirmahan kung saan Enero 21 pa nang isumite ito sa Palasyo . Isinasaad sa nasabing panukala na ang 105 araw na maternity leave ay ipagkakaloob sa mga lahat ng buntis…
Read MoreDIOKNO BUKING SA BILYONES NA PORK BARREL
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL magiging pork barrel lamang umano ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang savings noong 2018, nagbanta ang liderato ng Kamara na walang ilalabas na bicam report para sa 2019 national budget. “No DBM report on 2018 savings, no bicam report for 2019 budget,” ani House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., Linggo ng hapon dahil hanggang ngayon ay binabalewala umano ni Diokno ang kanilang request na magsumite ng report kung magkano ang pondong hindi nito ini-release noong nakaraang taon. Ayon kay Andaya,…
Read More