BIYAHERO PINAYUHAN NG DOH NA MAG-INGAT AT MAGPABAKUNA LABAN SA ‘SUPER FLU’

HINDI na naaalarma ang Department of Health (DOH) sa mga ulat hinggil sa umano’y “super flu” na kumakalat sa ilang bansa, subalit pinayuhan ang mga Pilipinong bumibiyahe sa abroad na maging maingat at magpabakuna laban sa trangkaso. Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, nakapagtala ang Pilipinas ng 17 kaso ng bagong flu variant noong nakaraang taon, ngunit lahat ng pasyente ay gumaling. “We’ve actually detected about July, August, about 17 cases that were determined to be of the new subclass of the super flu. All of them have recovered,” ani…

Read More

MGA DEBOTO PRAYORIDAD NG DILG SA PISTA NG NAZARENO

NILINAW ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nananatiling prayoridad ng DILG at ng Philippine National Police (PNP), ang kaligtasan ng milyon-milyong debotong makikiisa sa Traslacion 2026 o Kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno. Bagaman walang natatanggap na banta, mananatiling nakaalerto ang higit sa 18,000 pulis at force multipliers upang tiyakin ang kaayusan, kapayapaan at kaligtasan ng mga deboto. “Makaaasa po kayong may mga pulis sa mga ruta na dadaanan ng Mahal na Poong Nazareno,” ani Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla. Pinaalalahanan din…

Read More

Tiniyak ng DPWH MGA TULAY NA DARAANAN NG TRASLACION LIGTAS – MAYOR ISKO

INIHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na ligtas ang mga pangunahing tulay na daraanan sa Traslacion ng Jesus Nazareno. Ito ay makaraang maglabas ng sertipikasyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos inspeksiyunin ang mga tulay na daraanan ng Traslacion. Batay sa sertipikasyon ng DPWH–National Capital Region, ang Quezon Bridge, Carlos Palanca Bridge, Ayala Bridge, at Arlegui Bridge 1 ay sinuri gamit ang 2025 Road and Bridge Inventory and Assessment ng rehiyon. Ang apat na tulay ay na-rate na nasa “fair” o katamtamang kondisyon matapos ang inspeksiyon ng…

Read More

TUMAWID NA LOLA NABUNDOL SA KALSADA

CAVITE – Patay ang isang 68-anyos na lola nang masagasaan ng isang sasakyan habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Martes ng umaga. Isinugod sa ospital ang biktimang si alyas “Nida” ng Tolentino St., Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite subalit hindi na umabot nang buhay. Inaresto naman ang suspek na si alyas “Daryl”, 27, binata, ng Brgy. Bungahan, Biñan, Laguna, na nagmamaneho ng isang KIA K2500 na may plakang NEQ 2141. Ayon sa ulat, bandang alas-6:27 ng umaga nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Tagaytay-Sta.…

Read More

TULAK TIMBOG SA P800K SHABU

QUEZON – Nasakote ng Tiaong Municipal Police Station–Drug Enforcement Team ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Lalig sa bayan ng Tiaong sa lalawigan. Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na 0.16 gramo ang timbang at tinatayang may standard drug price na P1,088 at street value na P3,264. Ngunit sa isinagawang masusing paghahalughog, nasamsam din ng mga pulis ang apat pang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 39.60 gramo at tinatayang may street value na…

Read More

BAHAY NATUMBAHAN NG TRUCK, 2 PATAY

LAGUNA – Dalawa ang patay makaraang mawasak ang isang bahay at tricycle matapos na matumbahan ng isang dump truck na nawalan ng preno sa national road ng Barangay Mayatba sa bayan ng Siniloan sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Ilan pa ang nasugatan sa insidente na nagdulot din pansamantalang brownout sa lugar. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang nahaharap ang driver ng truck sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide, multiple physical injuries, and damage to property. (NILOU DEL CARMEN) 4

Read More

BAKIT MAY DUDA SA MGA AKUSASYON NI BERNARDO?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang Pasko at pumasok na ang 2026, ngunit nananatiling walang napapanagot sa sinasabing trilyong pisong katiwalian sa flood control projects sa kabila ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ikukulong ang mga mandarambong bago matapos ang 2025. Wala ring malinaw na pag-usad ang mga kaso, lalo na iyong may mga kinalaman sa mga makapangyarihang personalidad tulad ni dating House Speaker Martin Romualdez. Isa sa mga dahilan ay ang tila pagsasantabi sa mahahalagang testimonya at matitibay na ebidensya. Sa halip na pagtuunan ng pansin…

Read More

KENKOY ANG CHINA

DPA ni BERNARD TAGUINOD BINOMBA ng puwersa ni US President Donald Trump ang security facilities sa Venezuela at sa harap ng ipinagmamalaki nilang mga military hardware na binili nila sa China at Russia, nadukot ng mga Amerikanong sundalo ang kanilang Pangulong si Nicolas Maduro. Kabilang ang China sa mga sumisigaw na dapat daw igalang ng Amerika ang international law hinggil sa kasarinlan ng mga bansa tulad ng Venezuela na nilabag ni Trump nang aprubahan nito ang pag-atake at paghuli kay Maduro. Natawa ako sa reaksyon ng China dahil sila mismo…

Read More

SINE O STREAMING: ANG PINILI NG BULSA

GEN Z ni LEA BAJASAN DATI, simple lang ang panonood ng sine para sa akin. Maliit na gantimpala pagkatapos ng mahabang linggo. Pipila ka, papasok sa malamig na sinehan, at sandaling makalilimot sa ingay ng labas. Dalawang oras na pare-pareho ang tingin ng lahat sa iisang kuwento. Hindi nawala ang ganitong ritwal dahil nagsawa ang mga tao. Unti-unti itong nawala dahil naging mahal. Pagkatapos ng lockdown, tumaas ang presyo ng tiket. Noon, may malinaw na dahilan. Limitado ang upuan dahil sa social distancing. Kaunti lang ang pwedeng pumasok, kaya kailangang…

Read More