DPA ni Bernard Taguinod ANG gobyerno natin ay binubuo ng tatlong sangay… ang executive, legislative at judiciary. Sa ilalim ng Saligang Batas, may kanya-kanyang kapangyarihan ang isa’t isa at may tinatawag na separation of powers. Pero ‘yung separation of powers ay mukhang hindi nangyayari lalo na sa hanay ng executive at legislative. Sa judiciary, oo umiiral ang separation of powers, pero sa dalawang ito, hindi nangyayari. Bakit? Dahil kung ano ang gusto ng Pangulo na maipasang batas ay siyang pinaprayoridad ng dalawang kapulungan ng Kongreso at isinasantabi ang ibang panukala…
Read MoreAuthor: admin 3
MAHARLIKA FUND PINILIT KAHIT PILIPIT
CLICKBAIT Jo Barlizo KAHIT pilipit ay naipilit ang Maharlika Investment Fund o MIF. Madaling araw nitong Miyerkoles ay inaprubahan sa third at final reading ang Senate Bill 2020 o ang Maharlika Investment Fund bill sa botong 19. Tanging si Senador Risa Hontiveros ang bumoto ng ‘No’ sa panukala na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kasunod nito ay isasagawa ang Bicameral Conference Committee meeting para pag-usapan at pagkasunduin ang bersyon ng Senado at Kamara. Naipasa ang panukala sa mababang kapulungan ng Kongreso noong Disyembre 2022 matapos ang urgent din…
Read MoreP15K ‘SUHOL’ SA MGA MANGINGISDA NG ORIENTAL MINDORO?
PUNA ni Joel Amongo KUNG ako ang tatanungin, ang ipinamigay ng may-ari ng MT Princess Empress noong Pebrero 28 sa bawat isang mangingisda ng Oriental Mindoro na halagang P15,000 ay “suhol”. Bakit kamo? Eh kalakip pala ng pamimigay ng pera ay waiver na pinapipirmahan sa mga mangingisda para hindi nila idemanda ang may-ari ng MT Princess Empress. Ibang klaseng rin mag-isip ang may-ari ng barko, ano! Ito ang lumabas sa joint hearing ng House Committee on Ecology at Committee on Environment and Natural Resources na ibinunyag ni ACT Party-List Rep.…
Read MoreOFWs SINERMUNAN NI OWWA CHIEF ARNEL IGNACIO
RAPIDO NI TULFO NAKATIKIM ng sermon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio ang mga kababayan nating Pinoy na nasa ibang bansa. Ayon sa isang post ni Ignacio, marami sa OFWs, lalo na ang nasa Middle East, ang gumagawa ng kalokohan kahit alam nilang bawal. Ilan umano sa mga OFW ay “curious” kung ano ang nasa border kaya pinipilit na lumipat ng border kahit na alam nilang bawal at ang pagpapabuntis ng mga Pinay sa mga bansang “haram” o ipinagbabawal ang ganitong gawain. Ang ikinaiinis ni Ignacio ay…
Read MoreNERI GARCIA: EMPLEYADO NOON, AMO NGAYON
Bizzness Corner ALAM naman natin na malaki ang ambag ng transportation industry sa ekonomiya, dahil dito ang lahat ng trabahador, mag-aaral at iyong ibang pribadong mga tao ay nakararating nang maayos sa kani-kanilang destination. Ngunit ano nga ba ang nagtulak kay Ms. Neria Garcia upang pasukin ang transportation industry? Si Ms. Neria Garcia ay isang transport employee, sa kanyang pagtatrabaho sa industriya ay nakita niya ang hirap ng mga jeepney, bus at taxi drivers at ang araw araw na pinagdadaanan ng mga pasahero. Ito ang naging inspirasyon upang pasukin niya ang ganitong larangan ng negosyo upang makapagsilbi sa mamamayan sa industriya ng pampublikong transportasyon. Ito ay ang Premium Taxi, isang pampublikong sasakyan na mini van na may kapasidad na magsakay ng 7 katao. Ito ay itinatag niya lamang noong…
Read MoreANG IBA’T IBANG PROYEKTO NINA COUN. DOK G. LUMBAD AT REP. AMBEN AMANTE
TARGET NI KA REX CAYANONG MATAGAL ko nang kilala itong si Dra. Geleen “Dok G” Lumbad, councilor ng 3rd District ng Quezon City. Kaliwa’t kanan ang mga proyekto niya sa kanyang distrito. Kamakailan nga, kasama ang #TeamDOKG, binisita ni Lumbad ang Brgy. Pansol-Kaingin 1 Area para mamahagi ng buwanang supply ng libreng vitamins at maintenance sa mga residente. “Hindi po tumitigil ang aming #GamotAyLibre Program. Abangan lamang po ang aming pagpunta sa inyong lugar. Ingatan at palagi din pong bitbitin ang inyong DOK G Card sa pag-claim ng mga libreng gamot,”…
Read MoreSILENT EPIDEMIC
ISANG ngipin lang ang sumakit, buong katawan lumalangitngit. Salawikain lang ito ngunit ipinakikita kung ano ang epekto ng sumasakit na ngipin sa kalusugan ng tao. Kaya dapat seryosohin ang pahayag ng Department of Health na 73 milyong Pilipino ang may sirang ngipin. Pinakamarami sa mga sira ang ngipin ay mga kabataan. Ayon kay Dr. Manuel Vallesteros, Chief ng Child Adolescent and Maternal Health Division, Disease Prevention and Control Bureau, ng DOH, 50% sa naturang bilang ang may sakit sa gilagid, 40% naman ang hindi pa nakapagpatingin o nakapagpa-check-up sa dentista…
Read MoreKaya minamadali ang Maharlika – Solon ILL-GOTTEN WEALTH BABAWIIN NI MARCOS JR.
MINAMADALI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maipasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil nais nitong mabawi at makontrol ang mga yaman na kinumpiska sa kanyang pamilya. Ito ang isiniwalat ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung pagbabasehan umano ang Article III Sec. 6 ng Senate Bill 2020 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Finance – Privatization and Management Office (DOF-PMO), maaaring alamin kung anong mga ari-arian, real o personal ang isasailalim sa MIF. “This office under the DOF also has the authority to identify the disposition of…
Read MoreAlyansa sa 6 malalaking partido sinelyuhan MAGPINSANG BBM AT MARTIN SIGURISTA
(BERNARD TAGUINOD) TILA paniniguro sa posisyon ng magpinsang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ang nabuong kasunduan ng Lakas-CMD sa anim na malalaking partido pulitikal sa bansa. Sa paniwala ng mga political observer sa mababang kapulungan ng Kongreso, pangontra sa kudeta ang naturang Alliance Agreement. Sa dokumentong nilagdaan ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), PDP-Laban, National Unity Party (NUP), Partylist Coalition Foundation Inc (PCFI) at Partido Novoteño at Centrist Democratic Party of the Philippines (CDC), hindi lamang kay Romualdez susuporta ang mga ito hanggang…
Read More