HALOS nasa super typhoon category si TS Marce habang binabaybay ang kalupaan saklaw ng dulong hilagang Luzon simula pa kahapon. Sa inilabas na weather updates ng PAGASA kahapon ng umaga, malapit na sa super typhoon strength ang lakas ng pananalasa ni Marce bago pa ito dumaan sa dulong bahagi ng Luzon. Si Marce ay naitalang may maximum sustained winds na umaabot sa 175 kilometers per hour at may bugso na nasa 215 kph, ayon sa state weather bureau, habang tinatahak ang direksyon ng Silangan bahagi ng Aparri, Cagayan. Bunsod ng…
Read MoreAuthor: admin 3
LASING NALIGO SA SPILLWAY, TINANGAY NG BAHA
LUCENA CITY – Pinaghahanap ang isang lasing na lalaki na tinangay ng baha nang maligo umano sa spillway. Ayon sa mga nakasaksi, dakong alas-2:00 ng hapon noong Miyerkoles, napadaan ang biktima sa spillway ng Iyam river sa Barangay 5, dala ang kanyang kariton. Nagpasya itong maligo sa bahagi ng ilog sa unahan ng spillway subalit naanod ito ng agos at natangay patungo sa isa sa culvert na lagusan patungo sa kabila. Ligtas naman itong nakalusot sa nasa 12 metrong lapad ng spillway at lumutang sa kabilang ibayo at kumaway pa…
Read MoreMAS NA-STRESS ANG MGA NOYPI SA 2024 US ELECTION
CLICKBAIT ni JO BARLIZO BASTA Pinoy hindi talaga patatalo. Sabi ‘yan ng mga miron sa naganap na halalan ng Amerika kung saan tila mas na-stress pa ang mga Pinoy kaysa mga Kano. Base kasi sa mga balitaktakan sa social media, masyadong ‘maingay’ ang mga Pinoy sa US na bumoto kay Donald Trump kaysa katunggaling si Kamala Harris. Babalik nga si Trump sa Washington DC dahil nalagpasan niya ang 270 electoral college votes. Sa Estados Unidos, kailangan ang 270 electoral votes para manalong pangulo. Noong 2016, tinalo ni Hillary Clinton si…
Read MorePANGANGASIWA SA EDSA BUSWAY, SAKLAW NA NG DOTR-SAICT – MMDA CHIEF
TARGET NI KA REX CAYANONG BINIGYANG-LINAW ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na hindi na sa ilalim ng kanilang ahensya ang pangangasiwa sa EDSA busway. Simula pa noong Hunyo 30, ang Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) na raw pala ang may hawak ng operasyon at pagbabantay sa bus carousel sa EDSA. Dahil dito, wala na aniyang deployment ang MMDA sa EDSA busway, at nawala na rin ang kanilang hurisdiksyon sa lugar. Subalit, bukas pa rin daw ang MMDA sa pagtulong sa DOTr-SAICT…
Read MoreKEEP PRAYING
HOPE ni Guiller Valencia PRAY! There’s a lot of thought about prayer. Today, we will just discuss a fraction of it. Again, malawak ang usapin ng prayer o panalangin. Maraming kabiguan ang tao, ito’y resulta ng pagkukulang sa panalangin (failure to pray). Sa pag-examine natin ng pagkakamali at kabiguan, masasabing dulot ito ng forsaken prayer. Kadalasan ding umaasa tayo sa sarili nating karunungan at lakas. Last resort natin ang prayer kapag may problema na. Dapat unahin lagi na ipagdasal ang mga balak nating gawin bago pa man dumating ang mga…
Read More‘AKAP’ ayaw pakawalan KAMARA MAHIGPIT KAPIT SA AYUDA
TULAD ng inaasahan, ayaw pakawalan ng mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) na ipinabubura ng Senate Finance committee sa 2025 national budget. Sa press conference kahapon, hindi naitago ni House deputy majority leader Jude Acidre ang panghihinayang kung mawawala ang nasabing ayuda sa mga low income earner kaya dapat umanong ikonsidera ang rekomendasyon ni Senador Grace Poe na burahin ito sa pambansang budget. “I hope that our senators will go beyond the noise of issue but rather look at the program…
Read MoreTAMBAY SA MARCOS ADMIN NASA 1.8M
(CHRISTIAN DALE) BUMAGSAK ang unemployment rate ng Pilipinas nito lamang buwan ng Setyembre subalit umakyat naman underemployment. Sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi nito na ang jobless rate ay bumagsak sa 3.7% nito lamang Setyembre ng taong kasalukuyan mula 4% noong Agosto at 4.5% ng Setyembre 2023. Nangangahulugan ito na 1.89 milyong manggagawang Pilipino ang ‘unemployed’ noong Setyembre. Samantala, umakyat naman ang underemployment rate sa 11.9% noong Setyembre mula 11.2% noong Agosto at 10.7% noong Setyembre ng nakaraang taon. Nangangahulugan ito na 5.94 milyong manggagawa ang underemployed noong…
Read MorePCG ALL-SET NA SA BAGYONG MARCE
PREPARADO na ang lahat ng mga kagamitan ng Phil. Coast Guard-North Western Luzon upang magbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng Bagyong Marce. Sinabi ni PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, nasa heightened alert ngayon ang lahat ng district station at substation sa North Western Luzon. Kinansela na rin ang lahat ng leave at day off ng mga tauhan ng PCG upang matutukan ang pagsalba sa mga naapektuhang residente. Nakahanda na rin ang lahat ng mga kagamitan ng coast guard gaya ng mga barko, rubber boat, chopper at iba pa para…
Read MoreDOJ PASOK SA EJK INVESTIGATION
PASOK ang Department of Justice (DOJ) sa imbestigasyon ng extra-judicial killings sa drug war ng Duterte administration. Ito ay matapos ipag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagbuo ng task force na kapapalooban ng mga prosecutor at mga tauhan ng National Bureau of Investigation para imbestigahan ang extra-judicial killings o EJK sa drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte. Base sa inisyung Memorandum Order No. 778 na may petsang Nobyembre 4, nakasaad na ang task force ay pangungunahan ng Office of the Secretary at mag-iimbestiga at tutulong sa pagsasagawa…
Read More