MAS pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni PBGen. Randy Glenn Silvio, ang kampanya laban sa pagnanakaw, partikular ang “basag-kotse” modus operandi, sa pamamagitan ng sustained at focused police operations. Sinabi ng QCPD, mula Enero 2025 hanggang Pebrero 2026, nakapagtala ang QCPD ng kabuuang 20 kaso ng “basag-kotse”. Sa mga ito, 11 kaso ang nalutas, walo ang na-clear, at ang isa ay nananatiling nasa ilalim ng imbestigasyon. Ayon sa QCPD, ang mga pagsisikap na ito ay humantong sa pagkakaaresto sa 10 indibidwal na sangkot sa nasabing ilegal…
Read MoreAuthor: admin 3
PILIPINAS ‘DI MADADAMAY SA IRAN WAR — DND
WALANG batayan ang pangambang masasangkot ang Pilipinas sa giyera sa pagitan ng US-Israel at Iran. Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., sabay sabing ang mga alyansa ng bansa ay para lamang sa depensa at deterrence. Ayon sa Department of National Defense DND), mali at walang intelihensiyang basehan ang kumakalat na social media posts na maaaring targetin ng Iran ang EDCA sites sa bansa. Nagbabala rin ang Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa disinformation na layong maghasik ng takot. Iginiit ng AFP na ang Enhanced Defense…
Read More4-DAY WORK WEEK, WFH ALTERNATIBO PARA TIPID-PETROLYO
MAAARING pag-aralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahing 4-day work week at work-from-home (WFH) scheme para makatipid sa paggamit ng petrolyo sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, bukas ang Pangulo na suriin ang suhestiyon kung lalala pa ang Israel-Iran conflict. “Sa ngayon po ay maaaring pag-aralan ng Pangulo ang ganyang suhestiyon lalo na kung magiging malala pa ang nangyayaring Israel-Iran issue,” ani Castro, sabay linaw na hindi pa ito napag-uusapan sa gabinete. Nauna nang iminungkahi…
Read MoreMinorya: Imbes ipagbawal, patatabain pa ANTI-DYNASTY BILL SA KAMARA ‘PAGKUTYA SA KONSTITUSYON’
KUMALAS ang ilang mambabatas sa isinusulong na anti-political dynasty bill matapos tawaging “mahina” ang bersyong inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms. Binawi ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang kanyang House Bill No. 2037 kasunod ng pag-apruba ng substitute bill na inakda nina House Speaker Faustino Dy at Majority Leader Ferdinand Sandro Marcos. Sa ilalim ng substitute bill, hanggang second degree of consanguinity lamang ang saklaw ng pagbabawal na malayo sa orihinal na panukalang hanggang fourth degree. Para kay Erice, hindi ito tunay na anti-dynasty law. “It is…
Read MorePCO, MGA PUBLISHER NAGKAISA SA ‘OPLAN KONTRA FAKE NEWS’
LUMAGDA ang Presidential Communications Office at mga print media publisher sa isang memorandum of understanding para sa “Oplan Kontra Fake News.” Pinangunahan ni PCO Secretary Dave Gomez ang MOU signing sa Kalayaan Hall sa Malacañang. Ayon kay Gomez, ang misinformation at disinformation ay parang “venom that poisons the hearts and minds of the people.” Kabilang sa mga lumagda ang mga kinatawan ng INQUIRER, Manila Bulletin, Philippine Star, BusinessWorld, Daily Tribune, BusinessMirror, Manila Standard, Malaya Business Insight, at Manila Times. Sinabi ni INQUIRER representative Paolo Prieto na ang inisyatiba ay “timely…
Read MorePROTEKSYON SA REMITTANCES NG OFWs ISINUSULONG NI MARK VILLAR
KATUWANG si Senador Mark Villar sa pagsusulong ng Senate Bill No. 1917 o ang overseas Filipino Workers Remittance Protection Act bilang pagkilala sa napakahalagang ambag ng mga OFW sa bansa. Sa talumpati ng senador, binigyang-diin niya ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas. Noong 2025 lamang, umabot sa rekord na $35.63 bilyon ang remittances, na katumbas ng humigit-kumulang 7.3% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. “Dahil sa mahalagang ambag na ito ng mga OFW sa ating ekonomiya, kinakailangang tiyakin natin ang proteksyon ng kanilang pinaghirapang…
Read MoreMatapos ‘bugbugin’ sa socmed SUNTAY NAG-SORRY KAY ANNE CURTIS
HUMINGI ng paumanhin si Quezon City Rep. Bong Suntay sa aktres na si Anne Curtis matapos umani ng batikos ang kanyang naging pahayag sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Mistulang gulpi-sarado ang inabot ng mambabatas sa mga netizen matapos magpahayag ng pagkadismaya ang ilang indibidwal kabilang ang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith. Halos iisa ang pananaw ng netizens na may halong kabastusan ang pahayag ng mambabatas laban sa isang babae. “…there was no malice intended, and we apologize to her,” ani Suntay,…
Read More18 EX-SUNDALO, BALIGOD AT DEFENSOR AÑO, SINAMPAHAN NG REKLAMO ANG SA DOJ
RUMESBAK si National Security Adviser Eduardo Año at naghain ng reklamo sa Department of Justice laban sa 18 dating sundalo, pati kina Atty. Levi Baligod at dating kongresista Mike Defensor. Ito’y kaugnay sa alegasyong tumanggap umano siya ng pera sa sinasabing malawakang corruption scheme sa gobyerno. Kinasuhan ni Año ang mga ito ng paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code at Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. “I have to protect my name. I will not sell my name to anyone,” ani Año, sabay giit…
Read MoreDATING SUNDALO IDINIIN AKUSASYONG TUMANGGAP SI STELLA QUIMBO NG MALE-MALETANG PERA
DINIINAN ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta na puno ng pera sa bahay ni dating Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo. Sa isang panayam sa “Kapuso Mo, Jessica Soho,” kinumpirma nina Belnard Tube at Benny Bulontate ang laman ng kanilang affidavit, at sinabi nilang nagdala sila ng pera sa bahay ni Quimbo. “Kay Cong. Stella po,” sagot ni Bulontate nang ipakita ni Soho ang larawan ng isang bahay kung saan inihahatid ang ilang maleta na puno ng pera. Nang tanungin ni…
Read More