OFW NA MAY MALALANG SAKIT, TINANGGIHAN NG AIRLINE

RAPIDO NI TULFO LUMAPIT sa Rapido Ni Patrick Tulfo ang mga kaanak ng isang OFW na nasa bansang Dubai, UAE. Ayon sa kanila, nasa airport na umano ang kanilang pinsan na kasalukuyang mayroong stage 4 Leukemia. Hindi umano pinasakay ng Philippine Airline ang nasabing OFW dahil sa kalagayan nito kahit na may mga dala itong dokumentong nagsasabi na siya ay maaaring magbiyahe. Tinawagan ng inyong lingkod ang PAL kung saan nakapanayan natin si PAL Spokesperson Cielo Villaluna upang makipagtulungan para mapauwi ang pobreng OFW. Ayon kay Villaluna, nasa polisiya ng…

Read More

DAGDAG-BUWIS PARA MAGING HEALTHY ANG PINOY?

CLICKBAIT PURSIGIDO si Finance chief Benjamin Diokno na isulong ng gobyerno ang buwis sa junk food at sweetened beverages upang madagdagan ang kita ng pamahalaan, at para mabigyan daw ng atensyon at tugon ang mga sakit na sanhi ng mahinang nutrisyon. Tinatantyang P76 bilyon sa unang taon ng implementasyon ang madaragdag sa kaban ng bayan. Bukod dito, sinabi ni Diokno na ang hakbang ay magreresulta sa 21 porsyentong pagbaba ng konsumo ng junk food. Kasama sa papatawan ng buwis ang mga kendi, snacks, panghimagas at frozen confectioneries, na lumagpas sa…

Read More

TULOY-TULOY ANG KADIWA PROGRAM NI PBBM AT ANG PAGSUKLAY NG BIGOTE NI SEN. PADILLA!

TARGET NI KA REX CAYANONG ILANG buwan mula nang ilunsad ang kauna-unahang Kadiwa outlet sa bansa, hanggang ngayon ay tuloy-tuloy ang operasyon ng programa. Nakakalat na rin sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga sangay nito. Ngunit aminado si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na may hamong kinakaharap ang proyekto. Nakasalalay aniya sa magandang produksiyon at supply side ang operasyon ng mga Kadiwa outlets sa bansa. Isa sa mga nakikita niyang problema ay ang kakulangan sa produksyon na isa sa mga mabibigat na balakid dito. Kung pagtutuunan naman aniya ng pansin…

Read More

Manok ng Bayan, Chooks-to-Go shifts to Google Workspace through Globe Business

(L-R) Francisco “Cocoy” Claravall, Vice President for Partner Ecosystem for Globe Business, Tania Gil-Padilla, Vice President for Enterprise Sales for Globe Business, Rommel Macasaquit – VP Marketing, Chooks-to-Go, Gladys Quillopas – AVP – IT Head, Chooks-to-Go and Dominic Medenilla – Partner Development Manager Google Cloud APAC – Philippines Chooks-to-Go, one of the leading chicken rotisserie companies in the Philippines, has joined forces with Globe Business to revolutionize the poultry industry by empowering their employees with flexibility and remote access using Google Workspace. This partnership helped the company, dubbed “Manok ng…

Read More

Hanggang band aid solutions lang – solon MARCOS WALANG ALAM PERO KAPIT-TUKO SA DA

(BERNARD TAGUINOD) DAPAT bitiwan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) dahil hindi naman sapat ang pang-unawa at solusyon nito sa mga problema sa sektor ng agrikultura at agraryo. Dismayado si ACT party-list Rep. France Castro sa desisyon ni Marcos na manatiling kalihim ng kagawaran dahil tanging agricultural importers aniya ang makikinabang dito. Hanggang band aid lang aniya ang alam ni Marcos Jr., na solusyon sa sektor ng agrikultura kaya hangga’t hindi nito binibitiwan ang DA ay malabong makamit ang food security at mababang presyo ng…

Read More

HALAGA NG MINIMUM WAGE SA NCR P482 NA LANG

DAHIL sa hindi mapigilang paglobo ng inflation rate, nabawasan na ng P88 ang P570 minimum wage sa National Capital Region (NCR) kaya naglalaro na lamang ito sa P482. Kabilang ito sa rason ng mga manggagawa sa NCR wage board hearing kahapon sa Pasay City kaugnay sa kanilang petisyon na itaas ng P100 ang arawang sahod sa Metro Manila. “As of January 2023, workers have lost P88 in the value of the P570 minimum wage due to inflation. Thus, P100 is necessary to recover the purchasing power of workers’ wages,” ani…

Read More

ISYU NG DECORUM SA SENADO, NA-EXAGGERATE

NANINIWALA si Senador Sonny Angara na na-exaggerate o napalaki lamang ang usapin ng decorum sa Senado. Sinabi ni Angara na sa ngayon ay wala naman siyang nakikitang dahilan upang magpatawag pa ng pagpupulong sa mga senador para paalalahanan ang bawat isa kaugnay sa tamang gawi at pananalita sa Senado. Sa isyu anya ng ingay sa session hall, ipinaliwanag ng senador na kadalasan kasing maraming bisita ang bawat mambabatas at hindi maiwasang ientertain ang mga ito sa gallery sa session hall. Ang nakikita pa ni Angara ay mabait lang si Senate…

Read More

Smuggling, hoarding inamin BBM NAGTURO SA PAGSIRIT NG PRESYO NG SIBUYAS

(CHRISTIAN DALE) AMINADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon ng hoarding at smuggling ng agricultural products partikular ang sibuyas sa unang bahagi pa lang ng kanyang administrasyon. Isinisisi nito sa hoarding o pag-iimbak ng mga negosyante ang pagsirit ng presyo ng sibuyas. Sa isang panayam sa sidelines ng 125th anniversary ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Pangulong Marcos na itinago at hindi ipinagamit ng mga sindikato ang cold storage sa ibang producers. “I think maliwanag na maliwanag na sa ating lahat na ‘yung pagtaas ng presyo by 87%…

Read More

RESPETO SA INSTITUSYON

DPA Bernard Taguinod NOONG bagitong reporter pa lamang ako ay na-assign ako sa Senado at nadatnan ko roon ang mga batikang senador tulad nina Neptali Gonzales, Arturo Tolentino, Lorenzo Tañada, Ernesto Maceda, Edgardo Angara, Raul Roco, Juan Flavier at iba pang kagalang-galang na mga senador. Walang siga at walang bastos sa kanila sa mga committee hearing. Kung magsalita sila at kumilos ay talaga namang igagalang mo kaya mataas ang pagtingin ng mga tao sa institusyon noon. Mas mataas ang pagtingin ng mga tao sa Senado noon kumpara sa Kamara kaya…

Read More