SURVEY FIRMS TINABLA SA KAMARA

SADYANG nawala na ang tiwala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan sa mga survey firm, lalo na’t sumablay ang mga ito sa nakaraang eleksyon kaya hindi na rin naniniwala ang mga ito na singkwenta porsyento ng mga Pilipino ay tutol sa impeachment case na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio. Sa panayam kay 1-Rider party-list Representative Rodrigo Gutierrez, sinabi nito na hindi siya naniniwala sa resulta ng Pulso ng Bayan survey ng Pulse Asia na 50 porsyento ang ayaw sa impeachment case, 28 ang pabor at 32 naman ang…

Read More

SENIOR CITIZENS PINABIBIGYAN NG EXEMPTION SA ODD-EVEN SCHEME SA EDSA

NANAWAGAN si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng exemption ang mga senior citizen sa ipinatutupad na odd-even traffic scheme sa EDSA. Sa magkahiwalay na liham na ipinadala niya kina MMDA Chairman Romando Artes at DOTr Secretary Vince Dizon, iginiit ni Ordanes na ang nasabing polisiya ay may negatibong epekto sa kalusugan, kaligtasan, at kabuuang kaginhawahan ng mga nakatatanda. Ayon sa mambabatas, maraming senior citizen ang umaasa sa sarili nilang mga sasakyan upang makapunta sa mahahalagang appointment…

Read More

MARCOS NATAMEME SA BAGSAK NA RATING

HINDI na umimik sa halip, ipinagkibit-balikat lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbaba ng kanyang trust ratings. Ang katuwiran ng Pangulo, hindi dapat gawing basehan ang isang survey lamang. ”Madaming ibang survey. Let’s not base it on one,” ang tugon ni Pangulong Marcos nang tanungin sa briefing kasama ang Philippine media delegation kung ano ang kanyang gagawin sa pagbaba ng kanyang ratings. Tinanong ni Pangulong Marcos ang media kung sino ang nagsagawa ng survey at nang sumagot ang mga mamamahayag na Pulse Asia, isang matamis na ngiti ang tugon…

Read More

AKYAT BAHAY HULI SA CCTV

CAVITE – Timbog ang isang hinihinalang akyat-bahay nang namukhaan sa footage ng closed circuit television (CCTV) makaraang pumasok sa isang bahay at tumangay ng cash at mga alahas sa bayan ng Magallanes sa lalawigan noong Martes ng madaling araw. Nasa kustodiya na ng Magallanes Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si alyas “Ariel” na nahaharap sa kasong robbery at paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 at 10591 in relation to Omnibus Election Code. Ayon sa biktima, mahimbing siyang natutulog sa kanilang bahay sa Brgy. Tua, Magallanes, Cavite bandang…

Read More

10 BARIL NASABAT NG CIDG SA GUNRUNNER

KALABOSO ang isang lalaki makaraang ikasa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang buy-bust operation sa Davao Del Sur na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek. Kinilala ni CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III ang suspek na si “Hassan”, residente ng Brgy. Linuk, Madalum, Lanao del Sur, umano’y isang gunrunner na ang mga kliyente ay mga politiko sa buong Mindanao. Inaresto ang suspek bilang bahagi ng pinaigting na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms at gunrunning activities sa buong bansa, ng CIDG Davao City Field Unit kasama ang…

Read More

Sa maugong na pag-aalburuto ng kasundaluhan NO COUP SHALL HAPPEN, NOT ON MY WATCH – BRAWNER

“WALANG kudeta na magaganap hanggang ako ang namumuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.” Ito ang mariing pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr., kasunod ng pagtiyak sa hindi matatawarang paninindigan ng militar sa kanilang sinumpaang tungkulin na paggalang sa Konstitusyon at sa ‘chain of command’. “As long as I serve as Chief of Staff, no coup shall happen. Not on my watch. We will not be shaken by rumor, nor outmaneuvered by noise,” pahayag ni General Brawner, bunsod ng muling paglutang…

Read More

BOSES NG KABATAAN HINANAP SA DUTERTE YOUTH

“IS there no one else in Duterte Youth who can speak?” Tanong ito ng Kabataan party-list na kinakatawan ni Rep. Raoul Manuel sa Kamara dahil mula noong 2019 ay tanging si dating National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema ang nagsasalita para sa grupo. Unang nanalo ang Duterte Youth noong 2019 subalit hindi nakaupo si Cardema bilang kinatawan ng kanilang organisasyon dahil 33-anyos na ito noon kaya ang kanyang misis na si Ducielle Suarez Cardema ang kumatawan sa mga ito sa Kamara hanggang 2022. Sinabi ng grupo ni Manuel na…

Read More

MGA NA-RESCUE NAPABAYAAN SA DELPAN EVACUATION CENTER

VIRAL ngayon sa social media ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga nananatili sa Delpan Evacuation Center na tila napapabayaan na umano ng kasalukuyang lokal na pamahalaan. Bagama’t may nakalaan namang pondo para rito, aminado ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) na hirap silang alagaan ang mga nananatili ngayon sa nasabing evacuation center. Giit ni MDSW Dir. Re Fugoso, ginagawa nila ang lahat para alagaan ang nasa halos 150 indibidwal na nasa evacuation center pero dahil ang ilan ay may problema sa pag-iisip, hirap silang alagaan ang mga ito. Aniya,…

Read More

POLICE VISIBILITY SA MANILA PAIIGTINGIN, PALALAKASIN 24/7

PINANGUNAHAN ni Manila Police Director Police Brigadier General Benigno Guzman ang pag-iikot sa bawat istasyon ng pulisya sa kanyang nasasakupan sa lungsod ng Maynila. Ayon kay PBGen. Guzman, tuloy-tuloy ang operasyon 24/7 sa bawat presinto sa Station 1 hanggang Station 14, maging ang mga tauhan ng Police Community Precinct, (PCP) kasabay ang Mobile Patrol Units, SWAT team, motorcycle riders at bicycle patrol na walang patid ang pagpapatrulya sa kanilang area of responsibility (AOR). Nabatid mula kay Police Major Philipp O. Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD, bukod…

Read More