TARGET ni KA REX CAYANONG SA patuloy na pag-unlad ng Quezon, mahalagang matugunan hindi lamang ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mamamayan kundi maging ang mga pundasyon ng kinabukasan—ang edukasyon at agrikultura. Kabilang sa malaking hamon ng Quezon National High School sa Lucena City ang kakulangan sa mga silid-aralan. Sa mahigit 11,000 estudyante, malinaw na kailangan ng paaralan ng karagdagang pasilidad upang matiyak na maayos, ligtas at komportable ang kanilang pag-aaral. Dito makikita ang maagap na pagtugon ni Governor Doktora Helen Tan. Pinuntahan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang posibleng pagtatayuan…
Read MoreAuthor: admin 3
115 MOTORSIKLO AT CHOP-CHOP UNITS, NASABAT SA CHECKPOINT
ARESTADO ang anim na indibidwal, kabilang ang dalawang driver at apat na pahinante, matapos masabat ng mga tauhan ng 1st Quezon PMFC ang dalawang truck na naglalaman ng 115 motorsiklo at iba’t ibang piyesa sa Border Control Point sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon noong Huwebes, Agosto 13. Unang pinara ang mga truck dahil sa hindi ligtas na pagkakarga ng mga motorsiklo ngunit nang hingian ng kaukulang dokumento ang mga driver, nabigo ang mga ito na magpakita ng katibayan para sa kargamentong nakatakdang ihatid sa Mindanao. Inihahanda na ang mga kaukulang…
Read MoreNABANGGA NG MARINE ANIMAL, BANGKA LUMUBOG SA ROMBLON
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 31-anyos na mangingisda matapos lumubog ang kanyang motorbanca makaraan umanong mabangga ng isang marine animal sa karagatang sakop ng Barangay Cambijang, Cajidiocan, Romblon noong Huwebes, Agosto 13. Kinilala ang biktimang si Rommel Roco, residente ng Sitio Ilawod sa nasabing barangay. Ayon sa Coast Guard Sub-Station Cajidiocan, lumubog ang asul at puting motorbanca ng biktima humigit-kumulang anim na nautical miles ang layo mula sa baybayin. Agad nagkasa ng search and rescue operation ang PCG katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction…
Read MoreKinantahan pa habang inaaresto CAKE NA MAY POSAS PABIRTHDAY NG PULIS SA HINIHINALANG TULAK
HINDI inaasahang birthday celebration ang naranasan ng isang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga, nang siya ay arestuhin sa mismong kanyang kaarawan sa Zamboanga City. Sa halip na makapagdiwang kasama ang pamilya at mga kaibigan, inaresto siya sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad. Sa viral video, makikitang kinantahan pa ng mga pulis ng “Happy Birthday” ang suspek habang napapangiti na lamang ito. May dala pang birthday cake ang isang pulis na sinasabing bahagi ng selebrasyon bago isinagawa ang operasyon. Sa kulungan na nito tuluyang ipinagdiwang ang kanyang birthday at…
Read MoreANTI-CORRUPTION WATCHDOG, MGA RESIDENTE NG BULAKAN, BULACAN SA OMBUDSMAN: KASUHAN LAHAT NG NASA LIKOD NG GHOST FLOOD CONTROL PROJECTS
NANAWAGAN sa Office of the Ombudsman ang Alliance for Good Governance (AGG) at mga residente ng halos 14 na barangay na binabaha sa Bulakan, Bulacan na tuparin na ang pangakong sasampahan ng kaso ang lahat ng sangkot sa umano’y maanomalyang flood control projects sa bayan. Ginawa ng grupo ang panawagan sa gitna nang malawakan pa ring pagbaha na nakaaapekto na sa malaking bahagi ng munisipyo. Ayon sa mga residente, nananatiling lubog sa baha ang mga barangay ng Taliptip, Perez, Matungao, Bambang, Sta. Ana, San Jose, San Nicolas, Balubad, Tibig at…
Read MoreNO STUDENT LEFT OFFLINE: ERWIN TULFO ISINUSULONG ANG 20% STUDENT DISCOUNT SA LOAD AT INTERNET
ISINUSULONG ni Senador Erwin Tulfo ang 20% discount sa mobile prepaid load, mobile postpaid plans at mobile internet packages para sa mga Pilipinong mag-aaral sa gitna ng sunod-sunod na paglipat sa online classes dahil sa masamang panahon. Sa inihain niyang Senate Bill No. 2275 o “Student Load Discount Act,” layunin ni Tulfo na mabawasan ang pasaning pinansyal ng mga pamilyang nahihirapang tustusan ang pangangailangan sa data at internet para sa digital learning. “Dagdag-gastusin ito sa mga estudyante at magulang nila na kadalasan ay hadlang pa para makasabay sa online classes.…
Read MoreDATING LADY PROSECUTOR NAGWALA SA HARAP NG DOJ
NAGWALA at nanghambalos ng payong ang umano’y dating lady prosecutor sa Department of Justice (DOJ) habang nagsisigaw sa harap ng gate ng ahensya nitong nakalipas na Biyernes. Hindi na kinilala ng ilang security guard on-duty ang dating prosecutor, dahil nanaig umano sa kanila ang humanitarian reason matapos mapansin na tila lagpas 70-anyos na ito at hinihinalang nalipasan ng gutom. Sa halip na paalisin, pinaupo na lamang ng mga guard ang matanda sa gilid upang hindi makaistorbo sa mga kawani at abogadong pumapasok at lumalabas sa gusali. Gayunman, nagmatigas umano ang…
Read MoreDND, BINUWELTAHAN ANG CHINESE EMBASSY SA TUGON KAY SEC. TEODORO
BINUWELTAHAN ng Department of National Defense (DND) ang Chinese Embassy sa Pilipinas matapos nitong kontrahin ang mga pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro kaugnay ng pagkakasangkot umano ng ilang Chinese nationals sa ilegal na aktibidad. Ayon kay DND Public Affairs Service Director Asec. Arsenio R. Andolong, walang malinaw na sagot sa pahayag ng Chinese Embassy sa mga isyung ibinato ni Teodoro at sa halip ay puno umano ito ng mga tanong at “mabulaklak na salita.” Sinabi ni Andolong na isa itong paraan ng pag-iwas sa mga isyu at pagtatangkang iligaw…
Read MoreBIR AT BOC, SUPORTADO NG DOF SA KAMPANYA KONTRA SMUGGLING
SUPORTADO ng Department of Finance (DOF) ang magkasanib na kampanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling at ilegal na kalakalan. Nitong nakalipas na linggo, sinamahan ni Finance Secretary Frederick Go ang dalawang ahensya sa Cebu para sa revenue performance review at pagwasak sa mga nakumpiskang smuggled cigarettes at illegal tobacco products. Kabilang sa mga nasamsam ang pekeng tax stamps, makinarya, raw materials at iba pang gamit sa produksyon ng ilegal na sigarilyo. Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, aabot sa P240.64 milyon…
Read More