IBA’T IBANG PROYEKTO NI MAYOR RJ MEA AT HIRIT NI CONG. ERWIN TULFO SA KONGRESO!

TARGET NI KA REX CAYANONG KALIWA’T kanan ang mga proyekto ni Mayor RJ Mea ng Tiaong, Quezon. Aba’y patunay ito ng taal niyang malasakit at pagmamahal sa kanyang bayan. Kamakailan nga, binuksan sa publiko ang bago at modernong birthing home o paanakan sa Tiaong. Sa panayam ng inyong lingkod sa programang ‘TARGET ON AIR’ sa DZME 1530, sinabi ni Mea na ang lying-in clinic na ito ay fully air-conditioned at DOH-licensed birthing facility. Aniya, inaasahang magiging PhilHealth-accredited na rin ito. Ang pasilidad, ayon kay Mea, ay bukas 24/7 at maaaring magpaanak…

Read More

5 TULAK ARESTADO SA BULACAN DRUG DEN

PINANINIWALAANG tuluyang nalansag ng mga tauhan ng San Jose Del Monte PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang umano’y drug den sa Bulacan. Ayon kay Col. Rannie Lumactod, hepe ng SJDM PNP, sinalakay ng kanyang mga tauhan at mga operatiba ng PDEA ang hinihinalang drug den na nagsisilbi ring bentahan ng ilegal na droga sa Barangay Kaypian. Base naman sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Derrick Carreon, limang suspek ang kanilang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation katuwang ang local police noong Lunes ng…

Read More

DREDGING OPS PAIIGTINGIN SA BULACAN, PAMPANGA

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga ahensiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tulungan ang mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga sa pagpapaigting ng dredging operation sa nabanggit na mga lalawigan. Ang paghuhukay sa mga kailugan at sapa ang isa sa pangunahing mga aksyon na kailangang gawin para sa pangmatagalang solusyon na nakikita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang mabawasan ang pagbaha. Sa isinagawang Situation Briefing kasama sina Gob. Daniel Fernando, Bise Gob. Alex Castro at…

Read More

9 CAVITE POLICE SINIBAK SA VIRAL NA ANTI-DRUG OPS

CAVITE – Siyam na miyembro ng Cavite Police ang sinibak sa kanilang pwesto habang isinasailalim sa imbestigasyon matapos mag-viral sa social media ang hinggil sa isang police operation na may caption na “Bahay ng isang retiradong professora, niransak, ninakawan ng 8 pulis Imus” na may petsang Agosto 7. Nabatid na agad ipinag-utos ni Police Lt. Colonel Michael Batoctoy, Acting Chief of Police ng Imus City Police Station, na magpaliwanag hinggil sa insidente si SDEU Team Leader/Deputy Chief of Police Major Alexis Tuazon at walong mga tauhan nito. Ipinag-utos din ni…

Read More

Sa pagbibigay ng electricity lifeline rate subsidy BARANGAY ON-SITE REGISTRATION IKINASA NG MORE POWER

SA hangarin na maabot ang mas maraming Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) members at marginalized sector, nagdeploy ng kanilang personnel ang More Electric and Power Corporation (MORE Power) sa mga barangay para tumanggap ng aplikasyon para mabigyan ng diskwento sa singil sa kuryente o ang lifeline rate subsidy sa ilalim ng Epira Law. Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Castro, layon ng kanilang ginawang hakbang na matiyak na mas mapalapit sa marginalized group ang lifeline rate subsidy at marami ang maka-avail nito. “In addition to accepting applications in…

Read More

OPERASYON NG WOODEN HULL MOTOR BANCA PINASUSUSPINDE

INIREKOMENDA ni Senador Raffy Tulfo sa Senate committee on public services na ipatigil muna ang paglalayag ng mga motorized passenger boats na gawa sa wooden hull. Sa pagdinig ng komite kaugnay sa paglubog ng motor banca sa Laguna de Bay sa bahagi ng Binangonan, Rizal, iginiit ni Tulfo na dapat munang ipagpaliban ang paglalayag ng mga passenger boat na gawa sa wooden hull na dapat ay phase out na. Ito ay upang isailalim muna sa pagsusuri ng mga engineers ng Marina ang seaworthiness ng mga bangka upang hindi na maulit…

Read More

MAG-ASAWA BUKING SA HUWAD NA TITULO

SINAMPAHAN ng kasong estafa ang isang mag-asawa nang madiskubreng huwad ang titulo ng lupa sa Brgy. San Fernando Buenavista, Guimaras na kanilang ibinenta, makaraang madakip sa entrapment operation sa Jaro, Iloilo City noong Hulyo 28, 2023. Kinilala ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo De Lemos, ang mag-asawang sina Brixzel at Hope Evangelista, kapwa residente ng Jaro, IloIlo City. Batay sa ulat na isinumite ng NBI-Western Visayas Regional Office (NBI-WEVRO), ang mag-asawa ay nahaharap sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code thru Falsification of…

Read More

SALES CLERK TIMBOG SA PEN GUN

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act) ang isang 24-anyos na sales clerk makaraang makumpiskahan ng improvised na baril sa Tondo, Manila noong Lunes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Ruel Almario, ng Inocencio Street, Tondo. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, bandang alas-9:30 ng gabi, habang nagsasagawa ng Enhanced Managing Police Operation (EMPO) sina Police Staff Sergeant Ric Carlo Dela Cruz at Police Staff Sergeant Ryan Rueda…

Read More

Nanawagan ng suporta sa Kamara TRABAHO PARA SA PILIPINO – REP. NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) NANAWAGAN ang chairman ng House committee on labor and employment na ipasa ang panukalang bubuo ng national jobs creation plan, na kinakailangan ng bansa para ganap na makabawi mula sa COVID-19 pandemic ang mga Pilipino. “We need to institutionalize and expand the current National Employment Recovery Strategy or NERS and establish a Jobs Creation Plan (JCP), which would help us address the various labor, social, and economic issues that have cropped up during the pandemic,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Si Nograles ang nag-sponsor ng…

Read More