EDCA SITE SA CAGAYAN BINISITA NG DEFENSE SECRETARY AT AFP CHIEF OF STAFF

BINISITA noong Huwebes nina Department of National Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro at bagong Armed Forces Chief of Staff General Romeo S. Brawner ang Lal-lo Air Base sa Cagayan na isa sa apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos. Kasabay ng pagbisita nina Sec. Teodoro at Gen. Brawner ang pagtiyak na maihahatid ang kinakailangang relief goods para sa mamamayan sa dulong hilaga ng Luzon na sinalanta ng bagyo at habagat nitong nakalipas na linggo partikular sa Calayaan Islands. Personal na inspeksyon…

Read More

BULACAN DRUG DEN BINUWAG, 8 ARESTADO

Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos – Binuwag ng mga operatiba ng City of San Jose Del Monte Police Station ang nadiskubreng hinihinalang dug den at nadakip ang walong drug suspect sa Brgy. Bagong Buhay 1, CSJDM, Bulacan noong Huwebes ng hapon. Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office (PPO) director, Col. Relly Arnedo, ang inarestong mga suspek na sina Orlando Briones, 42; Mark Christian Calipayan, 35; John Mico Aguilos, 18; Neptune Anuevo, 40; Jeffrey Ducoy, 24; Aira Kenneiker, 20; Raiza Canonigo, 22, at Rowena Evite, 51, pawang ng…

Read More

RIDER SUMALPOK SA POSTE, PATAY

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang 26-anyos na rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa Medical Center of Imus ang biktimang si Rinnal Guzman Mijes, ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng mga sugat sa katawan. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na may plakang 617 TZH, habang binabagtas ang kahabaan ang Palanas Road patungo sa direksyon ng Buhay na Tubig Road. Ngunit…

Read More

MERALCO, PINAIGTING ANG KAMPANYA SA PAGHIKAYAT SA MGA CUSTOMER NA MAG-APPLY NG LIFELINE RATE DISCOUNT

Nagsasagawa ang Meralco ng on-site application upang mas maging madali para sa mga aplikante ng lifeline rate program ang proseso ng pag-apply para sa naturang discount. Isa ang Barangay San Roque, Quezon City sa mga binisita ng Meralco kaugnay ng inisyatiba upang mahikayat mag-apply ang mga kwalipikadong residente. Pinaigting ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagsasagawa ng mga barangay caravan sa iba’t ibang lungsod at probinsya upang mahikayat ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang kwalipikadong residente na mag-apply sa lifeline rate program. Simula Setyembre…

Read More

67 NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA SA SAMAR

UMAKYAT na sa 67 katao ang iniulat na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard mula sa tumaob na motor banca sa karagatan sakop ng Barangay Pilar, bayan ng San Antonio, sa Northern Samar. Ayon sa PCG, ligtas ang 67 sakay ng Jovelle Express 3, kung saan kabilang ang 60 pasahero at pitong crew at may kargang 15 kahon ng assorted na isda. Galing ang bangka sa Victoria, Northern Samar at magbababa sana ng pasahero sa San Vicente nang masabat ng malalaking alon at malakas na hangin na naging…

Read More

Solons: Kung ‘di ubra sa korte ANTI-TERROR COUNCIL GAMIT NI BBM SA KALABAN

(BERNARD TAGUINOD) NAGIGING sandata ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Anti-Terror Council (ATC) kapag hindi umubra ang kasong isinampa laban sa kanilang mga kalaban sa pulitika at kritiko sa hanay ng mga militanteng grupo. Ito ang pinag-isang pahayag ng Makabayan bloc sa Kamara kaya nanganganib umano ang mga kritiko ni Marcos at maging ang mga kalaban ng mga ito sa pulitika na nais niyang patahimikin kung hindi kakalusin ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng ATC. Ginawa ng grupo ang pahayag matapos italaga ng ATC bilang terorista si Negros Oriental…

Read More

P1K MONTHLY AYUDA SA SOLO PARENT DAPAT REGULAR IBIGAY – REP. TULFO

NAIS ni ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo na agarang marepaso ang Republic Act 11861 o ang “Expanded Solo Parent Act” upang regular na maipagkaloob sa mga benepisyaryo nito ang kanilang mga benepisyo, na nakasaad sa ilalim ng naturang batas. Nabatid na inihain ng mambabatas ang House Resolution 1150 sa layuning marebyu ang naturang batas dahil maraming mga single moms o solo parents ang walang natatanggap na ayuda. Ayon kay Cong. Tulfo, “Yung P1,000 na buwanang dapat ibigay ng mga LGU (local government units) hindi raw naibibigay lalo na yung nakatira sa…

Read More

SUGAR SMUGGLING NAGING LEGAL SA KADIWA NI BBM

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG naging normal at lehitimo ang sugar smuggling sa ilalim ng administrasyon ni Pangulo at Department of Agriculture (DA) Secretary Ferdinand “Bongbong” Marcoss Jr. Ito ang tinuran ng Kabataan party-list matapos ibenta sa mga Kadiwa Center ni Marcos ang smuggled sugar na kinumpiska ng gobyerno. Ayon sa grupo ni Rep. Raoul Manuel, ibinebenta sa mga Kadiwa Center ang may 4,000 metric tons na asukal na inismuggle mula Thailand sa halagang P70 kada kilo kaya inaasahan na kikita rito ang gobyerno ng tumataginting na P280 million. “Hinuli nga ng…

Read More

6 HIGH POWERED FIREARMS ISINUKO SA MAGUINDANAO

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Anim na loose firearms ang isinuko ng mga residente ng bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Lalawigan ng Maguindanao del Sur. Ang nasabing matataas na mga kalibre ng baril ay isinuko sa pamamagitan ng ‘Balik Baril Program’ na magkakasamang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Datu Saudi Ampatuan, at ng Task Force 92 na binubuo ng 92nd Infantry (Tanglaw Diwa) Battalion, DSA MPS at JPST. Ayon kay Lt. Col. Rommel Agpaoa, pinuno ng 92IB, ang nasabing programa na isinusulong ng lokal na pamahalaan,…

Read More