AWOL COP DINUKOT NG 8 KALALAKIHAN

LAGUNA – Dinukot ng walong armadong kalalakihan ang isang dating miyembro ng Philippine National Police PNP na nag-AWOL (Absent Without Official Leave) noong Miyerkoles ng umaga sa Los Baños, Laguna.

Kinilala ni Laguna Provincial Police Director Col. Serafin Petalio II ang biktimang si Michael Siervo, 34, residente sa Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna.

Ayon kay Petalio, ikinuwento ni alyas “Angelo,” 26-anyos na kapatid ng biktima, naglalakad ang kanyang kuya sa gilid ng Brgy. Batong Malaki bandang alas-2:06 ng hapon noong Miyerkoles.

Nang sumapit sa NWOW Electric Bikes store, may dalawang puting Hyundai Toyota vans na walang plaka ang huminto sa harapan ng kanyang kuya at bumaba ang hindi kilalang dalawang armadong lalaki at sapilitang isinakay ang biktima, kasunod ang dalawa pang sasakyan saka mabilis na tumakas ang mga suspek, Base sa record ng pulisya, si Siervo ay tatlong taon nang AWOL sa PNP.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (CYRILL QUILO)

223

Related posts

Leave a Comment