Ayala, Pangilinan ‘di pwedeng lumamang PDU30: WATER DEAL DAPAT PATAS

REREBISAHIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagong concession agreements sa water companies na Maynilad at Manila Water upang masigurong patas ito.

Sa public address ni Pangulong Duterte, binigyang-diin nito na ang bagong kontrata ay kailangang patas.

Kailangan din aniyang ibalik ng mga water company ang perang kinuha ng mga ito mula sa kanilang consumers sa ilalim ng kasalukuyang concession deals.

“I think starting tomorrow the papers are here. I will review the contracts that are proposed by the government panel to the Ayala and Pangilinan consortium,” ayon sa Pangulo.

“Ako okay na ako basta mabawi lang ang pera ng tao, even in installments. Nakalma ako kasi whether we like it or not, water is very important in our lives,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Iniutos ng Pangulo na dumaan sa masusing paghimay ang 1997 concession deal matapos manalo ang Manila Water at Maynilad sa hiwalay na multi-billion peso arbitration cases sa ibang bansa.

Sa gitna ng nagbabadyang krisis sa tubig, lumabas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration, na nakabase sa Singapore, at pinaboran ang Manila Water laban sa gobyerno.

Nag-ugat ang kaso laban sa gobyerno nang hindi pinayagang magtaas ng singil sa tubig ang Manila Water noong 2015.

Sinabi ng Pangulo na ipakukulong at kakasuhan niya ang mga opisyal ng 2 water concessionaires.

Kamakailan, humingi ng paumanhin si Pangulong Duterte sa ilang malalaking negosyante sa bansa. Nagpasalamat din siya sa mga ito sa tulong na ipinaaabot ngayong may krisis dahil sa COVID-19. CHRISTIAN DALE

119

Related posts

Leave a Comment