AYUDA MULA SA KANDIDATO, VOTE BUYING ‘YAN – COMELEC

NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na bawal ang anomang uri ng ayuda na manggagaling mula sa mga kandidato dahil isa itong uri ng vote buying at ipinagbabawal ng batas.

Nabatid kay Atty. Jan Ale Fajardo, Election Officer lV Comelec QC, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng ayuda ng mga elected official na kinabibilangan ng AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation), 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) sa kanilang constituents.

Sa ginanap na QC Journalist Forum sa QC City Hall nitong Martes, sinabi ni Fajardo na ang pagbibigay ng ayuda ngayong panahon ng eleksyon ay labag sa batas.

Aniya, sa inilunsad na kampanya ng Comelec na Kontra Bigay, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng lahat ng uri ng ayuda para bigyan ng pabor ang isang kandidato.

Kaugnay nito, sinabi ni Police Col. Roman Arugay, Deputy District Director ng Quezon City Police District, aabot sa 29 katao at 30 armas ang nakumpiska ng kanilang mga tauhan mula January 12 hanggang February 18 kaugnay ng ipinatutupad na election gun ban para.

Sinabi ni Arugay na nasa green category ngayon ang QC, ibig sabihin, walang risk at threat sa lungsod kaugnay ng nalalapit na halalan. (PAOLO SANTOS)

26

Related posts

Leave a Comment