BABAE PINATAY, IBINAON NG BF DAHIL SA CHATMATE

PINATAY at ibinaon sa lupa ng isang lalaki ang kanyang nobya dahil sa selos sa chatmate ng huli Caloocan City.

Arestado ang suspek na si Jeffrey Montales, nasa hustong gulang, na umamin umanong pinatay niya ang biktimang si Arjean Cabangunay, 21, ng Balong Bato, ng lungsod.

Ayon sa suspek, noong nakaraang Linggo pa niya pinatay ang katipan ngunit nito lamang Martes niya inilibing sa Barangay 171, Bagombong, Caloocan.

Nabuking ang krimen ng suspek matapos mabasa ng mga kaanak ng biktima ang mga mensahe nito na magkikita sila ng nobyo.

Nabatid na may ka-chat umano si Cabangunay na pinagselosan nang husto ni Montales na siyang nagtulak sa kanya para sakalin at mapatay ang nobya.

(ALAIN AJERO)

332

Related posts

Leave a Comment