Babala ng BOC, hindi joke only KUMPISKADO NA, MAY ASUNTO PA!

MULING nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga magtatangkang magpalusot ng mga kargamento mula sa ibang bansa, kasunod ng pormal na pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga importers at customs brokers na pinaniniwalaang sangkot sa pagpupuslit ng hindi bababa sa halagang P21.3-milyong imported na sasakyan sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na bukod sa kumpiskadong kargamento, isinampa na din ng kanilang tanggapan sa Department of Justice ang kasong kriminal laban sa Desmo Trading kaugnay ng pagpasok ng dalawang jet skis, pitong mamahaling motorsiklo at dalawang speed boats na may P6.867-milyong estimated market value.

Ayon pa sa kawanihan, “general merchandise” at hindi mga imported na sasakyan ang idineklara ng nasabing importer at customs broker para sa nasabing kargamentong lumapag sa Port of Cebu noong Oktubre ng nakaraang taon.

Bigong pagpupuslit naman ng P24.422 halaga ng tatlong high-end vehicles at 98 piraso ng gulong nitong nakaraang Mayo sa Manila International Container Port (MICP) ang dahilan ng pagsasampa ng asunto laban sa Adnfinest Marketing Corporation at sa kanilang itinalagang customs broker.

Bukod sa asuntong may kaugnayan sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), nahaharap din sa kasong paglabag ng Comprehensive Motor Vehicle Development Program ang mga kinasuhan ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS).

166

Related posts

Leave a Comment