Babala ng health expert COVID-19 SURGE PAGKATAPOS NG MAY 9 POLLS

MAAARING maharap ang bansa sa panibagong surge ng COVID-19 cases matapos ang May 9 polls.

Pinagbasehan ng isang government health adviser ang multiple factors na puwedeng maging dahilan nito kung saan kabilang dito ang pagdaraos ng superspreader events at ang humihinang immunity sa populasyon ng mamamayan na hindi pa nakakapagpa-booster shot.

“Pwedeng meron tayong surge of cases, especially after the election,” ayon kay Dr. Rontgene Solante, hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa government-run San Lazaro Hospital sa Maynila, sa Laging Handa public briefing, araw ng Biyernes.

“Pwedeng magkahawaan ulit yung mga nabakunahan na na hindi pa naka-booster, pwedeng mayroong reinfection,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, sinabi ng Department of Health (DoH) na may mahigit na 33 milyong Filipino ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakakuha ng COVID-19 booster shot.

Bukod dito, sa pagpapaluwag aniya ng restriksyon, karamihan sa mamamayan ay hindi na gumagamit at nagsusuot ng face mask na maaaring maging dahilan ng muling pagsirit ng bilang ng kaso ng COVID-19. (CHRISTIAN DALE)

114

Related posts

Leave a Comment