BABALA SA BENTAHAN NG BARYANG MAY TANSO

NAGPALABAS ng isang babala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa anila’y kalakalan ng barya, partikular ang P20 na coins na binibili umano sa mas mataas na halaga.

Ayon sa BSP, ang P20 New Generation Currency (NGC) circulation coins, na inilabas noong Disyembre 2019, ay legal tender na maaari lamang ipambayad sa pang-araw-araw na transaksyon, subalit hindi pwedeng itago o ibenta ng kahit na sino.

Hinimok din ng BSP ang publiko na maging mapanuri sa pakikipagtransaksyon sa online buyers at sellers ng mga salaping – peso bills man o barya. Giit pa ng BSP, huwag kagatin ang alok ng mga ito dahil illegal at maaaring magdulot pa ng perwisyong asunto sa husgado.

Bukod sa P20 New Generation Coins, nagkalat na rin sa social media ang mga indibidwal at grupong bumibili ng iba pang donominasyon ng baryang kulay tanso. (JOEL AMONGO)

347

Related posts

Leave a Comment