BABUYANG HALALAN

ANG halalan marahil ang pinakamalaking patunay na nananati­ling buhay ang diwa ng demokrasya sa puso ng bawat ma­mamayang Pilipino.

Subalit lubhang nakababahala ang mga kaganapang mistulang banta sa pagiging ­sagrado ng nalalapit na halalan.

Bakit nga naman hindi – hayagang ­pagyurak sa integridad ng halalan at sa kakayahang makapag-isip ng mga mamamayan ang tila nagpapaikot sa probisyon kaugnay ng substitution.

Ang siste, mismong ang nakaupo ang nanggugulo sa ­hangaring manatili sa kani-kanilang pwesto.

Mismong ang Commission on Elections (Comelec) ay tila gulong-gulo at wari’y nahihilo sa taktikang tsubibo ng ating Pangulo.

Pag-amin pa ng tagapagsalita ng Com­elec, pinaglalaruan na lang ang sistemang ‘substitution’ sa ilalim ng Omnibus Election Code.

Giit ng komisyon, amyendahan ang batas sa layong tuldukan ang babuyan sa halalan.

Sakaling patulan ng Kongreso ang kanilang panawagan, may sapat pa bang panahon sa pagbalangkas at pagpapasa ng batas sa Kamarang kontrolado ng matandang pantas?

Nakatutuwang ­isiping ang panawagang amyenda’y isa lang paandar ng Comelec na kinabibilangan ng appointees ng Pangulong may dugong Intsik!

156

Related posts

Leave a Comment