Ni BERNARD TAGUINOD
KABADO ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga bagong kasunduang pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China lalo naβt hindi ito isinasapubliko ng Palasyo ng Malacanang.
Ayon Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, karapatan ng sambayanang Filipino na malaman ang mga nilalaman ng mga piniramahang kasunduan ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping.
“Ito ang pinakamasahol na baratillong pambubugaw ni Duterte sa Pilipinas sa China. Palpak na nga ang gobyerno sa paggigiit sa teritoryo ng bansa, pumirma pa ng mga kasunduan na dagdag pahirap,β ani Brosas.
Sinabi ng mambabatas na tanging ang mga βkasosyong cronyβ umano ni Duterte ang tiyak na makikinabang sa mga kasunduang itoΒ Β habang pagdurusahan naman aniya ito ng sambayanang Filipino lalo na ang mga susunod na henerasyon.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa halip na idetalye umano ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga pinasok na kasunduan ni Duterte kay Jinping ay pinakakalma ito ang mga tao sa kanilang takot na dagdag naΒ Β βdebt trapβ ang mga ito.
“The Philippines already fell for China’s debt trap. The lives of millions of Filipinos are already at stake when he signed yet again a series of loans and agreements with China despite President Xi’s rejection on the countryβs landmark win in the international arbitral court,” ayon pa kay Brosas.
Dismayado rin ang lady solon na hindi naipaglaban ni Duterte ang teritoryo ng PilipinasΒ Β sa West Philippine Sea (WPS) matapos hindi kilalanin ni Jinping ang ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pag-aari ng Pilipinas ang mga teritoryong sinakop ng China sa nasabing karagatan.
Pero hindi na ito ikinagulat ni Brosas dahil simula pa lamang ay βmalambot na siya sa usapin ng West Philippine Seaβ dahil sa mga pangakong pautang ng China sa Pilipinas.
744 