NANUMPA sa harap ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang mga bagong halal na opisyal ng Southern Metro Manila Press Club (SMMPC) sa isang simpleng seremonyang idinaos sa tanggapan ng ahensya sa New Bilibid Prison Reservation sa Muntinlupa City, Huwebes ng umaga.
Kabilang sa mga nanumpang opisyal (mula kaliwa, katabi ni Catapang) sina Pangulong Tony Gildo, Treasurer Nino Aclan, Auditor Jojo Sadiwa, Chairman of the Board Edd Reyes, at mga miyembro ng Board of Directors na sina Cesar Morales, Tanie Capiral, Danilo Bacolod, Joseph Muego, Dave Medina, Sara Mae Guillermo, Jayson Drew, at Avito Dalan.
Hindi nakadalo sa seremonya ang nahalal na Bise Presidente AJ Ignacio, Secretary Dhel Nazario, at mga Director na sina Beth Camia Julian at Justin Gildo. (DB)
106 