BAGONG PANGALAN NG HEALTHWAY MEDICAL NETWORK PINASINAYAAN

PINASINAYAAN nitong Martes ng hapon ang bagong pangalan ng Healthway Medical Network sa compound ng Philippine General Hospital sa Taft Avenue, Malate, Manila.

Ang dating Ayala Healthcare Holdings Incorporated ay opisyal nang pinangalanang Healthway QualiMed Manila.

Sa nasabing pagtitipon, dumalo ang matataas na opisyal ng PGH, Health Secretary Ted Herbosa at Congressman Erwin Tieng ng Manila District 5.

Ayon sa kalihim, magagamit pa rin ang libreng bakuna para sa COVID-19 para sa mahihirap na Pilipino kahit na tinanggal na ang COVID-19 state of public health emergency.

Habang ang mga may kakayahang bumili ay maaring magpabakuna sa pribadong sektor.

Noong Lunes, inanunsyo ni Herbosa na kanyang irerekomenda ang pag-alis sa COVID-19 public health emergency sa bansa.

Mula noong Mayo, nanawagan ang DOH sa mga manufacturer ng bakuna laban sa COVID-19 na mag-aplay para sa isang sertipiko ng pagpaparehistro ng produkto sa Pilipinas.

Samantala, pinasalamatan naman ni Herbosa ang Ayala Healthcare Holdings Inc. (AC Health) sa pagtatayo ng Healthway Qualified Manila sa pakikipagtulungan sa PGH at University of the Philippines Manila dahil maraming pasyente ang maaari nitong mabigyan ng serbisyo.

Sa ilalim ng partnership, sinabi ni Ayala Corp. President and CEO Cezar na ang mga doktor mula sa UPM at PGH ay magsasagawa ng kanilang outpatient consultation, diagnostic procedures at surgeries sa Healthway Qualified Manila.

“At AC Health, our vision is to create an integrated ecosystem spanning the entire continuum of healthcare. Over the past few years, we have made investments in different sectors of health, and today,our network consists of 3 pillars– pharma, digital health, at clinics and hospitals. But we know our work is far from complete. We want to further expand our services and touch the lives of 1 in every 5 Filipinos by 2030,” saad naman ni Paolo Borroneo, President at CEO ng AC Ventures.

(RENE CRISOSTOMO)

327

Related posts

Leave a Comment