BAGONG POLISIYA SA MEDICAL ASSISTANCE, DAPAT TIYAKING KLARO SA PUBLIKO

NANAWAGAN si Senate Committee on Health Chairperson Risa Hontiveros sa Department of Health (DOH) na gawing malinaw ang mga bagong polisiya para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Persons (MAIFIP).

Sinabi ni Hontiveros na dapat matiyak ng DOH na ang binabalangkas na administrative order para sa medical assistance ay tuluyang mag-aalis sa political patronage at malinaw na mailalatag ang proseso at requirements na kailangan para sa pagtanggap ng tulong.

Iginiit pa ng senador na dapat mas mapadali na ang access para sa financial aid ng mga pasyente at hindi na kakailanganin pang mag “door-to-door” sa mga opisina ng mga politiko para manlimos ng guarantee letters para sa pagpapagamot.

Kasabay nito, kumbinsido si Hontiveros na dapat ituloy sa mga susunod pang fiscal year ang reporma sa national budget tulad ng anti-epal provision.

Tiniyak din ng senadora na handa na silang talakayin sa plenaryo ang Senate Bill No. 1593 o ang Universal Health Care Medical Assistance Program kung saan direkta na sa mga ospital at sa mga pasyente ang financial aid.

(DANG SAMSON-GARCIA)

2

Related posts

Leave a Comment