BAGONG QUARANTINE CLASSIFICATION TINITIMBANG NI DUTERTE

TINITIMBANG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pros at cons bago gumawa ng kanyang pinal na desisyon hinggil sa quarantine classification sa National Capital Region Plus Area.

Nais ni Pangulong Duterte na rebisahing mabuti at i-check ang mga impormasyong may kinalaman sa Health Care Utilization Rate (HCUR) sa mga nasabing lugar.

“We shall provide the necessary notice once everything has been made final,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Matatandaang noong nakaraang Sabado ay pinalawig ang ECQ sa NCR plus o ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna hanggang bukas, Abril 11.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng Department of Health (DOH) para sa pagkakaroon ng karagdagang isa pang linggo ng ECQ upang makita ang magiging epekto nito sa kasalukuyang sitwasyon kung saan mataas pa rin ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit.

Ang pagpapalawig ng ECQ sa NCR Plus ay itinuturing na absolute last resort ng pamahalaan sa pagbalanse pa rin nito sa sistema ng pagpapababa ng mga kaso ng COVID-19 habang inaalalayan na huwag magutom ang mga mamamayan dahil sa kawalan ng kinikita. (CHRISTIAN DALE)

116

Related posts

Leave a Comment