(NI NICK ECHEVARRIA)
IPINABABAWI ng Philippine National Police (PNP) ang ipinatupad na bagong rank classification sa kanilang hanay na katulad ng mga ranggo sa militar.
Alinsunod sa Republic Act (RA) 11200, ipinatupad sa bisa ng Memorandum Order na nilagdaan ni PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) Chief Police Major General Lyndon Cubos noong Pebrero 27 ang mga bagong ranggo sa lahat ng komunikasyon ng pambansang pulisya noong nakalipas na lingo.
Subalit, nitong March 7, muling nagpalabas ng panibagong memorandum si Police Deputy Director General Camilo Pancratius Cascolan kung saan binabawi ang naunang memorandum at lahat ng mga memorandum na may kinalaman sa pagpapatupad ng bagong rank classification.
Sa bagong memorandum hindi muna ipapatupad ang paggamit sa bagong rank classification hanggang wala pang Implementing Rules and Regulations (IRR).
Matatandaan na una nang kinuwestyon ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde kung paano ang gagawing legal na abbreviation sa mga bagong ranggo para maipakita ang pagkakaiba nito sa militar.
183