BAGUHANG PINOY FILM MAKER HUMAKOT NG 2 INTERNATIONAL AWARDS

HUMAKOT ng dalawang (2) major film awards ang isang baguhang Pinoy Film Director sa dalawang international festival na idinaos sa bansang India.

Sa libu-libong movie entry sa buong bansa ay nasungkit ni Pinoy Director Jeremiah P. Palma ng pelikula niyang “UMBRA” ang dalawang best Director Award sa magkaibang international film festival.

Isa na rito ang Roshani International Film Festival na pinangunahan ng Film Education and Welfare Foundation sa Aurangabad, India.

Ang naturang festival, ginagamit ang media bilang platform at instrumento upang ganap na makuha ang atensyon ng publiko.

Sa naturang festival ay lumahok si Director Palma na siya ring Director in charge ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) Film Division na kung saan ay nasungkit niya ang pangaral noong Hulyo 24 ng taong kasalukuyan sa kanyang pelikulang ” UMBRA “.

Nauna sa parangal na ito ay nanalo rin siyang Best Director sa parehong pelikula sa Venus International Film Festival 2022 (Hulyo 3, 2022).

Si Palma, kilala rin sa tawag na Direk Miah ay nagsimulang magdirek ng music video at short films noong 2020. At ang MAYA film sa tulong ng KSMBPI Film division ganoon sa tulong ng produksyon ng “UMBRA” na isang indie film na inilaban sa international festival.

Ang 2 international film awards na nakamit ni Palma ay malaking tulong upang lalong tumaas ang antas at kalidad ng pelikulang Pilipino na magbubukas ng dagdag na oportunidad sa film industry.

Mapapanood din sa bansa ang naturang pelikula matapos itong ipalabas globally.

320

Related posts

Leave a Comment