ISANG low-pressure area na lang o LPA ang Bagyong Carina, ayon na rin sa PAGASA.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Carina 170 kilometers northwest ng Basco Batanes.
Sinabi ng PAGASA na bagaman humina ito, asahana ng katamtaman hanggang sa malalakas na alon.
Ito’y lalo na sa Batanes, Ilocos Norte, Cagayan including Babuyan Islands, at Isabela.
Binalaan ang mga residente na nakatira malapit sa baybaying dagat. (KIKO CUETO)
