BAKIT MAY MGA GAMOT NA NAKARESETA?

(Ni Ann Esternon)

May mga gamot na nabibili over-the-counter o OTC kung tawagin at makukuha ninyo ito nang halos walang tanong-tanong mula sa pharmacists.

Pero bakit may mga gamot na kailangan pa ng reseta?

Mayroon tayong tinatawag na prescription drugs o mga gamot na nireseta ng doktor dahil ito ang mga uri ng gamot na matatapang o malalakas.

May tatlong klase ng prescription drugs:

1 – Depressants – ginagamit upang mawala ang anxiety o pagkabalisa at tulong din ang gamot na ito bilang pampatulog.

Gamot din ito para sa panic attacks, seizures, depression, general anesthesia/sedation (prior sa surgery o operasyon), muscle relaxation, pagsusuka o pagduduwal, at madalas sa insomnia. Ginagamit din ito para sa pagmamantina ng sintomas ng alcohol o drug withdrawal.

2 – Opioids at Morphine Derivatives – ginagamit kontra pananakit. Identified din ang uri nito bilang narcotics.

Ang opioids ay ginagamit upang harangin ang pain signals sa pagitan ng utak at katawan. Kadalasang inirereseta ito ng doktor bilang treatment sa severe levels ng pananakit – ang pananakit na ito ay kadalasang may kinalaman sa mga taong may cancer, matapos ang pagkakaroon ng serious injury, post-surgery, at iba pang chronic pain conditions.

3 – Stimulants – maraming klase ng prescription stimulants. Ito ay gamot para sa uri ng condition tulad ng attention deficit disorder (ADHD), narcolepsy (malalang sleep disorder), binge eating disorder, at minsan ay para rin sa depression kapag ang condition ay unresponsive sa ibang courses ng prescription medication.

Dahil sa malalakas ang uri ng mga gamot ay tama lamang na magkaroon ito ng reseta mula sa doktor dahil kadalasang ang mga gamot na ito ay nakakaadik o nagiging dahilan ng kamatayan ng isang pasyente dahil sa overdose.

Tandaan natin na walang gamot na 100% safe at lahat ng gamot ay mayroong kaunting epektong nakasasama at minsan naman ay seryoso ang epekto nito.

Mahigpit na ipinapaalala ng mga doktor na huwag tayong mag-self medicate at sundin ang kanilang nireseta na akma sa inyong kondisyon o nararamdaman.

727

Related posts

Leave a Comment