BAKUNA NG RUSSIA INAASAHAN SA LUNES

INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa ngayong buwan.

Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa Lunes ay dumating na ang kauna-unahang batch ng bakuna na galing Russia.

Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang pagdating pa ng mga bakuna ngayong 2nd quarter ng buwan.

Aniya, ang bakuna ng Gamaleya ang inaasahan nilang paparating ngayong Abril 12 kasunod ng iba pang mga bakuna sa susunod na linggo gaya ng Sinovac.

“Sa tanong po na ano po ang mga darating na vaccines this coming April, darating po ang Sinovac na 1.5 million at saka mayroon po tayong Gamaleya na 500 or more or less two million doses. So ngayong first … sa next week po baka dumating na po ang 500,000 ng Sinovac. So titingnan din po natin iyong Gamaleya, baka dumating na rin po this coming April 12,” ayon kay Galvez.

Sa buwan naman ng Mayo ay paparating na rin aniya ang Moderna na galing ng Estados Unidos.

“So sa May deliveries po, magkakaroon po tayo ng two million sa Sinovac, sa Gamaleya and then darating na po ang Moderna. So more or less, mga 4,194,000 po na doses ang matatanggap po natin,” aniya pa rin.

“Sa June po, magkakaroon po tayo ng more or less mga 10,500,000 doses kasama po ang Sinovac, Gamaleya and also Novavax at saka iyong delivery natin sa AstraZeneca. And July, baka po tumaas po tayo, na magkaroon po tayo ng more or less mga 13.5 million. And August delivery, 20,000 at hanggang maging ano po sa November,” dagdag na pahayag ni Galvez. (CHRISTIAN DALE)

131

Related posts

Leave a Comment