Bakunado ng Sinovac VICE MAYOR LACUNA SAPUL SA COVID- 19

SA kabila na bakunado ng Sinovac, nagpositibo sa COVID-19 si Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Gayunman, nag-negatibo naman si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sumailalim din sa swab test.

Mismong si Vice Mayor Lacuna ang naghayag ng kondisyon niya sa isang opisyal na pahayag.

 “Sa kabila ng matinding pag-iingat ay hindi ko lubos na inaasahan ang nakalulungkot na resulta. Dahil dito, kinakailangan kong pasumandaling magpahinga at magpagaling. Inaasahan ko po ang inyong pag-unawa at hinihiling ko ang inyong panalangin para sa ating lahat,” ayon kay Lacuna.

Kasabay nito, umapela si Lacuna sa publiko na magdoble ingat at patuloy na sumunod sa safety protocols.

Nabatid na kilala si Lacuna na sobrang maingat at sumusunod sa safety protocols, malimit na nagsa-sanitize ng kanyang kamay at dinodoble pa ang suot na facemask kaya nasorpresa siya nang malaman na positibo siya sa COVID-19.

Nalaman na ang kapatid ni Lacuna na si Councilor Philip ay nagpositibo rin at kaka-recover lamang sa COVID-19 at ginamot sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Nabatid na nakaramdam ng mga sintomas ng pagkapagod si Lacuna noong Biyernes at kinabukasan ay mayroon na siyang sore throat at pananakit ng katawan at mapait ang kanyang panlasa kaya siya ay nagpa-swab test at dito niya nalaman na positibo siya sa COVID-19.

Hinala ni Lacuna, na-infection siya noong Huwebes nang magbakuna siya sa isang recipient na normal naman niyang ginagawa bukod sa pagiging presiding officer ng Manila City Council.

Sa kasalukuyan, naka-admit sa Sta. Ana Hospital si Lacuna sa ilalim ng pangangalaga ni Director Dr. Grace Padilla at muling babalik sa kanyang trabaho sa sandaling maka-recover. (RENE CRISOSTOMO)

127

Related posts

Leave a Comment