INANUNSYO ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagtatalaga kay Brig. Gen. Brig. Gen. Arnold Thomas Ibay bilang acting chief ng Police Regional Office (PRO) Negros Island Region.
Sa utos na may petsang Abril 8, na isinapubliko noong Miyerkoles, epektibo ang reshuffle ngayong Huwebes.
Itinalaga namang officer in charge si Brig. Gen. Benigno Guzman, ng Manila Police District (MPD) kapalit ni Gen. Ibay. Habang si PCol. Aladdin Collado Baldeo ay itinalaga bilang officer in charge ng Office of Executive Assistant Office ng Chief PNP.
Hinimok ni Marbil ang mga pulis na manatiling matatag sa kanilang sinumpaang tungkulin na kumilos nang patas at itaguyod ang kanilang dignidad bilang mga alagad ng batas.
(TOTO NABAJA)
