MAHIGPIT na ipinag utos ng National Police Commission (NAPOLCOM) na alisin na sa kamay ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo, ang local police sa Daraga simula kahapon.
Ayon kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, chair ng NAPOLCOM, ang deputation authority ni Mayor Baldo ay tulungan nang inalis matapos itong isangkot na umano’y utak sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe.
Si Baldo ay kinasuhan na ng double murder at six counts ng frustrated murder si Mayor Baldo at mga tauhan nitong sina Henry Yuson, Jaywin Babor, Christopher Cabrera Naval alias Tuping, Danilo Muella alyas Manoy Dan, Rolando Aromado alyas RR at Emmanuel Rosello alyas Boboy. (LUISA LEIGH NIEZ)
