BALIK-ESKUWELA NG ESTUDYANTE SA MINDANAO INAAYOS NA NG DEPED

deped2

(NI KEVIN COLLANTES)

TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na prayoridad nilang mapapasok na muli sa eskwela ang milyun-milyong mag-aaral na naapektuhan ng sunud-sunod na malalakas na lindol sa Mindanao nitong Oktubre.

Isa anila ang pagpapatupad ng shifting schedules at shortened school hours sa pinag-aaralan nila upang makabalik na sa eskwela ang mga estudyante.

Batay sa pagtaya ng DepEd, naapektuhan ng lindol ang pag-aaral ng may kabuuang 3.6 milyong estudyante sa rehiyon at halos kalahati umano ng mga ito ay suspendido pa rin ang klase hanggang ngayon.

Ayon kay Education Undersecretary at Spokesperson Analyn Sevilla,  sa ngayon ay naghahanap na sila ng ligtas na lugar upang masilbing pansamantalang silid-aralan ng mga ito.

Sinisikap aniya nila na magtuluy-tuloy ang klase ng mga estudyante upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga ito.

“Hinahanapan po natin sila ng lugar kung saan safe na temporary ay magkaroon ng classroom muna,” ani Sevilla, sa panayam sa telebisyon.

Sa ilalim ng “shifting schedules”, ang ilang grade levels ay maaaring magklase ng M-W-F o Mondays, Wednesdays at Fridays, habang ang iba pa ay papasok naman ng T-Th-S, o Tuesdays, Thursdays, at Saturdays.

173

Related posts

Leave a Comment