PINAYUHAN ng Commission on Higher Education ang mga kolehiyo at unibersidad kaugnay sa paghahanda sa pagbubukas ng klase, kasunod ng pag-delay sa mga elementary at high school students sa Oktubre 5 partikular sa public schools.
Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera na hindi naman kailangan ng mga kolehiyo at unibersidad na baguhin ang academic school year opening basta’t handa sila.
May economic freedom kasi ang mga pribadong kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng Republic Act No. 7722.
“Sinasabihan namin paulit-ulit ‘yung mga pamantasan na i-review ‘yung level of preparation nila. Kung di sila handa, wag silang magbukas,” sinabi ni De Vera sa panayam sa Teleradyo.
“Inuulit ko ang abiso at utos sa mga pamantasan na i-review continuously iyong preparedness niyo, kung di pa handa, wag pipilitin dahil kawawa ang mag estudyante, kawawa ang guro,” dagdag nito.
“Gumawa kami ng listahan kung ano ‘yung gastusin sa flexible learning na pwedeng gamitin ng private schools ‘yung existing miscellaneous fees nila,” sinabi pa ni De Vera.
Mainam lang umano na mag-usap-usap ang lahat ng sector na may kinalaman dito.
“Ang requirement lang kailangan kausapin ang estudyante, magulang at ipaliwanag paano gagamitin ang miscellaneous fee na kinokolekta regularly,” sinabi nito. (CATHERINE CUETO)
453 