BALIKBAYAN BOXES MAKUKUHA NG MAY-ARI

PITONG buwan mula nang abandonahin ng isang forwarding company ang mga balikbayan boxes, nagpasya ang Bureau of Custom-Port of Manila na himayin ang mga kargamentong naka-consign sa isang Jenrich Fast Cargo sa bilang tugon sa kahilingan ng mga claimants na makuha na ang mga ito.
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC-Port of Manila na nagbuo na ang kanilang tanggapan ng isang task group na mangangasiwa sa processing at release ng abandoned shipment ng Jenrich Fast Cargo mula pa noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Ayon sa kawanihan, ang stripping activity ay isinagawa sa hangaring matunton ang pagkakakilanlan ng mga claimants base na din sa mga impormasyong kalakip ng mga nasabing balikbayan boxes. Bahagi din ng nasabing proseso ang pagkuha ng mga angkop na impormasyon kaugnay ng invoice at address ng mga claimants.
Bago ang stripping acti­vity, nag-organisa ng isang virtual conference ang BOC Public Information and Assistance Division kung saan tina­lakay ng BOC-Port of Manila sa mga claimants ang tamang proseso sa pagre-release at delivery ng mga naturang balikbayan boxes.
Pangako naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, patuloy nilang paiigtingin ang mabilis na kalakalan upang makapagbigay ng tulong at de kalidad na serbisyo sa kanilang stakeholders. (JOEL O. AMONGO)
162

Related posts

Leave a Comment