16 WANTED PERSONS SA CAVITE NALAMBAT

CAVITE – Umabot sa 16 wanted persons kabilang ang dalawang most wanted persons (MWP), ang dinampot ng Cavite Police sa isinagawang operasyon sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang operasyon noong Linggo sa apat na lungsod at pitong bayan sa lalawigan ng Cavite.

Tig-dalawang wanted persons ang inaresto sa lungsod ng Dasmariñas at bayan ng Naic, Carmona at Silang, habang tig-isa mula sa Cavite City, Indang, Tanza, Imus City, Gen. Trias City, Amadeo at Ternate.

Ang arestadong mga suspek ay nahaharap sa kasong ilegal na droga, rape, reckless imprudence resulting in injury and damage to property, illegal gambling, paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act, illegal possession of firearms, BP 22,  qualified theft, at robbery.

Kinilala naman ang nadakip na dalawang most wanted persons (provincial level) na sina Eljay Balboa, may kasong paglabag sa RA 8353 (2 counts) at lascivious conduct under Sec. 5 ng RA 7610 (3 counts), at Omamalin, Generoso y Marsala, 59, may kasong qualified rape in Rel. to RA 7610. (SIGFRED ADSUARA)

88

Related posts

Leave a Comment