UMABOT na sa 224 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao matapos madagdagan ng 46 ang mga bangkay na nakuha ng iba’t ibang search and retrieval teams.
Ang Region 8 ang may pinakamalaking bilang ng mga namatay na umabot na ngayon sa 202, habang sa Region 6 ay may naitalang 17, at sa Region 7 ay may dalawang namatay.
Sa inilabas na update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, may 147 pa ang nawawala dahil sa nagdaang kalamidad.
Lumalabas din sa ulat na ang Region 8 ang may pinakamaraming bilang ng reported missing na umabot sa 140.
May kabuuang 599,956 pamilya o higit dalawang milyong indibidwal ang naapektuhan ng nasabing bagyo sa siyam na rehiyon. (JESSE KABEL)
161