ALEGASYON NG ILANG OFWs, DAPAT SAGUTIN NI QUIBOLOY

DAPAT sagutin ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang mga akusasyon sa kanya ng mga overseas Filipino workers (OFW) na sapilitan umanong kinukuha ang kanilang mga sahod bilang donasyon sa organisasyon.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros matapos ang pagharap ni Reynita Fernandez, isang OFW based sa Singapore, na nagsabing halos 90% ng kanilang sahod ang napupunta kay Quiboloy.

“Araw-gabi kumayod ang mga OFW, tapos imbes na mapunta sa pamilya nila ang pinagtrabahuan nila, pilit silang hinuhuthutan ni Quiboloy. Di na nga nakukuha ang sweldo nila, pinagbebenta pa sila ng kung ano-ano para lang makapag-remit, hindi sa kanilang pamilya kundi sa Kingdom,” saad ni Hontiveros.

“Si Reynita, nawalan ng bahay, dahil sa kakabigay ng buong salary niya, at sigurado hindi lang siya ang OFW na nabiktima. We call our OFWs our modern-day heroes, yet we are failing to protect them from fraudsters like Quiboloy. Sana magkaisa ang Senado para mabigyan ang ating mga kababayan ng hustisya,” dagdag ng senador.

Una nang na-cite in contempt si Quiboloy dahil sa hindi pagtugon sa subpoena sa kanya kasabay ng paggiit ng abogado nito ng right against self-incrimination.

“The invocation of the right against self-incrimination must be made by a witness actually present and on a per question basis. This has been settled by the Supreme Court. Sa madaling salita, kailangan niya parin magpakita sa Senado. Ang bibigat na ng mga paratang sa kanya, pero hindi parin siya nagpapakita. Why is he hiding? Why is he so afraid? Takot ba siyang hindi niya madepensahan ng maayos ang mga inaakusa sa kanya?” diin ni Hontiveros.

“More and more victim-survivors have reached out to my office to share the horrific abuses they experienced as members of KOJC. I call on my colleagues in the Senate to actually listen to these victim-survivors. Sigurado ako na kapag mapakinggan nila ang mga karanasan ng mga dating miyembro ni Quiboloy, walang mag-aatubiling manindigan para sa katarungan,” giit pa ng senador.

(DANG SAMSON-GARCIA)

39

Related posts

Leave a Comment