ANAK NI SENATOR BATO, 6 PA NA-RESCUE

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine National Police –Maritime Group ang pito katao kabilang ang anak umano ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa Samal Island sa Davao del Norte.
Sa ulat ng PNP-Maritime Group, pito katao ang nasagip mula sa palutang-lutang na bangka na-stranded sa bahagi ng Samal Island, ngayong Huwebes.

Kasama sa grupo si Macky, anak umano ng senador.

Nag-island hopping umano ang grupo ni Dela Rosa nang masira ang makina ng sinasakyan nilang bangka dahil sa malakas na alon.

Nilinaw ng pulisya na nasa maayos na kalagayan ang pitong nasagip na pasahero ng bangka na dinala pansamantala sa PNP- regional maritime unit. (JESSE KABEL RUIZ)

27

Related posts

Leave a Comment