“BIG TIME” SA MAYNILA TIMBOG SA DROGA

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 32-anyos na jobless makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quiricada Street, Barangay 255, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Wilson Pascual, alyas “Big Time”, binata at residente ng Quiricada Street, Tondo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jorge Meneses III, commander ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang matimbog ang suspek sa nasabing lugar.

Bago isinagawa ang buy-bust operation, nakipagkoordina ang

Station Drug Enforcement Team (SDET) sa tanggapan ng Philippine Enforcement Drug Agency (PDEA).

Agad namang kumagat ang suspek sa ipinaing P500 marked money at naaresto ng mga pulis sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Jimmy Boy Fajardo kasama sina P/Cpl. Jeric Retarino at Pat. John Paul Burcer.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang bulto ng hinihinalang shabu na

ng 11.8 gramo ang timbang at P80,240 ang halaga.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (RENE CRISOSTOMO)

140

Related posts

Leave a Comment