DATING PULIS TIMBOG SA FRUSTRATED HOMICIDE

HINDI nakapalag ang isang 55-anyos na dating pulis nang silbihan ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide sa Quezon Blvd., Quiapo, Manila noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Police Major Edward Samonte, hepe ng DID- SMaRT, ang suspek na si Pedro Reyes y Querubin, may asawa, dating pulis, at residente ng Carcer St., Quiapo

Inaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni P/Major Dave Emmark Dave Apostol, katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District – Raxabago Police Station at Plaza Miranda Police Community Precinct, sakop ng Sta. Cruz Police Station, sa pangunguna ni Police Captain Rowell Robles, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated homicide.

Ang suspek ay responsable sa umano’y bigong pagpatay sa kanyang kapitbahay noong Disyembre 31, 2011. (RENE CRISOSTOMO)

40

Related posts

Leave a Comment