DOH HUB IKAKALAT

IKAKALAT ng Department of Health (DoH) ang 28 primary care facility para may access ang publiko sa serbisyong-pangkalusugan sa buong bansa.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, tatawaging National Ambulatory and Urgent Care Facility ang health hub na ito na ikakalat sa mga estratehikong bahagi ng bansa upang maabot ang mga komunidad na kulang sa mga ospital.

Ang ideya na ito ay para i-decongest ang mga regional na ospital kung saan may mahabang pila ng mga pasyente. Marami ang nagrereklamo na ang mga ospital na ito ay nag-aalok ng kumpletong serbisyong pangkalusugan ngunit masyadong mahaba ang ginugugol na oras sa paghihintay.

Ipinunto ng DoH ang mga pasilidad na ito ay kumpleto gaya ng family medicine, OB surgery medicine, orthopedics, endoscopy, MRI o magnetic resonance imaging, CT scan, X-ray at laboratory gayundin ang araw ng operasyon.

Bukod sa mga ito, isinusulong din ng DoH ang digitalization ng mga serbisyong pangkalusugan para maabot ang malalayong lugar.

Idinagdag pa ng kalihim, ang hakbang ay magbibigay-daan sa mas maraming tao lalo na ang mga mahihirap na magkaroon ng access sa mga serbisyong pangkalusugan sa ilalim ng Universal Health Care Law.

(JULIET PACOT)

189

Related posts

Leave a Comment