(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
TAHASANG sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nilustay ng gobyerno ang pondo ng PhilHealth sa kanyang press conference kamakalawa ng gabi.
Aniya, dapat malaman ng mga Pilipino ang pagkaubos ng pondo ng health insurer.
“Tingin ko ang mas mabigat na problema na dapat malaman ng Pilipino is nag-hemorrhage ang country. Pati ‘yung PhilHealth nga na hindi sa gobyerno, contribution natin iyan.”
“Government malversed the money of the people. Ginamit mo ang pera? Even the Congress cannot do that. Trust fund iyon eh,” ani Digong.
“Ang ating PhilHealth funds was about 89 billion. Of that P89 billion, P27 billion na lang ang natira. Eh papaano iyan? Bakit nila pinakialaman?” patutsada pa niya sa administrasyong Marcos.
Binatikos din ng dating pangulo ang kawalan aniya ng proyekto ng kasalukuyang administrasyon.
“Ang gobyerno na ito, walang project. Wala kang nakikitang project diyan. Maintenance na lang. Kasi ayuda na lang, naubos doon. Naubos ni Romualdez. Congressman lang pero left and right ang pamigay niya,” akusasyon niya kay House Speaker Martin Romualdez.
Hinamon din niya ang mga sundalo na protektahan ang Konstitusyon lalo na aniya laban sa pangulong ‘drug addict’.
68