FACTORY WORKER TIKLO SA GUN RUNNING

CAVITE – Arestado ang isang 32-anyos na lalaki makaraang magbenta ng isang .45 kalibreng baril sa isang poseur buyer sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. 

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek na si Ronnie Ludovice y Amaranto, factory worker, ng Brgy. Langkaan, Dasmariñas City. 

Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang makipagtransaksyon ang suspek sa isang poseur buyer at nagkasundong magkikita sa Tropical Village, Pabahay 2000, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite.

Agad namang pumusisyon ang Intel operatives ng Provincial Intelligence Unit at sa aktong inaabot ng suspek ang kanyang ibinebentang baril, ay agad siyang dinakma ng mga awtoridad. 

Nakumpiska ang isang .45 kalibreng Colt na baril, isang magazine, limang pirasong bala at buy-bust money mula sa suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions). (SIGFRED ADSUARA)

101

Related posts

Leave a Comment