Ikinasa ng ACT CIS AYUDA SA ILANG JOBLESS QC RESIDENTS

HIGIT 100 residente ng Brgy. Central sa Quezon City ang nabigyan ng ayuda ng ACT CIS bilang tulong sa mga nawalan ng trabaho o di kaya’y nag-uumpisang muli dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “priority po namin na tulungang makapag-umpisa muli ang mga kababayan natin na nawalan ng kita dahil sa COVID”.
“Ibili po ng pagkain o pamasahe sa paghahanap ng trabaho ninyo itong ayuda namin,” paalala ni Yap.

Dalawang libong piso bawat tao o miyembro ng pamilya ang nabigyan ng cash assistance.

Kasama rin sa nasabing cash ayuda activity si Egay Yap, isa rin sa miyembro ng ACT CIS Party-list.

Dumating din si Quezon City Mayor Joy Belmonte at pinaalala sa mga tao na “magtiwala po sa inyong gobyerno dahil hindi po kayo pababayaan.”

1

Related posts

Leave a Comment