HINIMOK ng pamahalaang lokal ng Navotas sa pangunguna ni Mayor Toby Tiangco, ang mga Navoteño na 25 taong gulang pataas na nakahanap na ng kanilang “forever,” mga nagsasama na ng limang taon pataas, may mga anak, at handa nang mag-“I Do,” na makilahok sa Kasalang Bayan sa Araw ng mga Puso.
Apatnapung magkasintahan ang ikakasal ng pamahalaang lungsod sa Pebrero 14. Dalawampu ang ikakasal ng alas-9:00 ng umaga sa Kapitbahayan Elementary School at 20 ng alas-3:00 ng hapon sa North Bay Boulevard North Elementary School.
Kailangang magtungo ng mga nais na magpakasal sa Local Civil Registrar’s Office sa 1st floor ng Navotas City Library, Lunes hanggang Biyernes, 8am hanggang 5pm at dalhin ang sumusunod: 1) Certificate of No Marriage (CENOMAR) ng magkasintahan; 2) birth certificate ng magkasintahan; 3) birth certificate ng kanilang mga anak.
Hanggang Pebrero 11, 2022 lamang maaaring mag-apply para nasabing Kasalang Bayan. (ALAIN AJERO)
146