“THE Office of the President has nothing to do with it.”
Ito ang tugon ng Malakanyang sa impeachment complaint na inihain ng ilang private citizens sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang katwiran ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, malinaw na ‘independent initiative’ na ng mga nagreklamo ang naging hakbang na ito at ang pag-endorso nito ay karapatan naman ng kahit sinong miyembro ng Kongreso.
“The President’s earlier statement on the matter is unambiguous,” ang sinabi ni Bersamin, tinukoy ang kamakailan na naging pagtutol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anomang balakin na i-impeach o patalsikin sa pwesto si VP Sara dahil maaapektuhan umano ang trabaho ng mga kongresista at senador.
Para sa Pangulo, hindi ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino ang pag-impeach kay Duterte.
“This is not important. This does not make any difference to even one, single Filipino life, so why waste time on this?” ayon sa Pangulo.
“What will happen to the– if somebody files an impeachment? It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all our time, for what? For nothing. None of this will help improve a single Filipino life. As far as I’m concerned, it’s a storm in a tea cup,” aniya pa rin.
Nauna rito, kinumpirma rin ni Pangulong Marcos ang text message na hinikayat niya ang mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Nakasaad sa naturang mensahe na: “In the larger scheme of things, Sara is unimportant. So please do not file impeachment complaints.”
Susuwayin Si BBM
MAS susundin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Saligang Batas sa halip na si Pangulong Marcos Jr., hinggil sa isinampang impeachment case laban kay VP Sara.
“The House of Representatives is constitutionally mandated to act on any impeachment complaint filed in accordance with the 1987 Philippine Constitution,” pahayag ni House Secretary General Reginald Velasco matapos matanggap ang impeachment complaint na inihain ng Civil Society Group noong Lunes.
Ani Velasco, a kailangang aksyunan ng Kongreso ang anomang verified complaint for impeachment na ihahain o iendorso ng sinomang miyembro ng Mababang Kapulungan dahil ito ang iniuutos aniya ng Konstitusyon.
“It is crucial to underscore that addressing an impeachment complaint is not a discretionary act for the House of Representatives but a constitutional obligation,” paliwanag ni Velasco sa ambush interview.
Inendorso ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña ang 34 pahinang impeachment complaint na inihain ng grupo ni dating senador Leila de Lima na kinabibilangan nina dating Secretary Teresita Quintos Deles, Leah Navarro, dating Congressman Gary Alejano, Fr. Robert Reyes, Fr. Flaviano Villanueva, SVD , Sr. Susan Santos Esmile, SFI, Sr. Mary Grace de Guzman at iba pa.
Sa anim na ground of impeachment na nakakasa, lima ang tinukoy sa reklamo na kinabibilangan ng culpable violation of the constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust and other high crimes kaya tanging ang treason ang wala.
“Among the articles are the misused, failure to account the intel and confidential funds of both the Office of the Vice President and of the Department of Education. Nandyan din ang grounds like the..yung kanyang mga threats.. yung kanyang mga rants during her presscon in October 18, and second one in November (23) 2024 because these are unbecoming and this is actually betrayal of public trust and this is also high crimes yung kanyang mga threat dun sa mga latest rant niya o kanyang meltdown,” ani De Lima, spokesperson ng nasabing grupo sa ambush interview sa Kamara.
Kasama rin sa reklamo ang mahigit P2 bilion na confidential funds ni Duterte noong Mayor pa ito ng Davao City, pagkakasangkot umano ito sa Davao Death Squad, paglobo ng kanyang kayamanan, pananahimik sa pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS), idinepositong pera ng isang Sammy Uy na konektado kay Michael Yang na sangkot umano sa illegal drugs, Pharmally at POGO. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)
11